ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Senator Chiz Escudero sasagutin ang mga intriga sa Pare & Pare


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Linggo (Hulyo 1) ng gabi, katatawanan, kuwentuhan at kantahan ang hatid nina Pareng Bitoy at Pareng Ogie sa kanilang comedy-musical talk show sa GMA-7 na Pare & Pare.   Makakapanayam at iimbestigahan ng dalawang host ang tinaguriang "senador ng bayan" na si Chiz Escudero. Ilan sa mga katanungan sa kanya ay ang sumusunod: Siya nga ba ay mayaman, may paninidigan at mabilis magsalita? No comment kaya siya sa mga maintrigang tanong tungkol kay Heart Evangelista at Kris Aquino? Sino ang best president sa kanya- si Marcos o Aquino?   Sasabak din ang butihing senador sa isang matinging challenge na susukat sa kanyang pagkabarako: tutulungan ni Barako Chiz sina Barako Papa at Barako Mama sa pagbigay ng Barako Tips.   Dadalo rin sa naturang palabas ng Kapuso network ang dalawang wannabes na sila Nicki Manash at Nicki Manas. Hindi lang sila magpapatalbugan sa kantahan at sayawan. Gayundin, magpapatalbog din ang dalawa sa mga FHM's sexiest.   Sa segment na Sabi-sabi po, iba't-ibang tweets ng artista naman ang kanilang hahanapan ng connection sa mga naktutuwang signage around the world.   Bukod dito, magpapasiklab naman ng sikat na all-male rock band na 6 cycle mind pagdating sa kantahan. Rarakan na sa kanilang hot single na "Basta Ako!"   Isang masayang gabi ang muling pagsasaluhan kasama  sina Pareng bitoy at Pareng Ogie sa "Pare & Pare," sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng 'Pinoy Adventures'.  — GMA NETWORK.com