GMA News Online Showbiz » Chika Minute » Dolphy

Pneumonia ni Dolphy, bumalik

July 3, 2012 9:05pm
Masusi pa ring binabantayan ng mga doktor sa Makati Medical Center ang kalusugan ng Comedy King na si Dolphy matapos bumalik ang pneumonia nito.

Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing ito na ang ika-12 ulit na nagkaroon ng pneumonia si Dolphy sa loob ng nakalipas na buwan.

Matagal nang may sakit na chronic obstructive pulmonary disease (COPD) o sakit sa baga ang beteranong aktor.

Naging maayos naman umano ang isinagawang blood transfusion at dialysis kay Dolphy nitong Lunes.



Umaasa ang pamilya ni Dolphy na patuloy na bubuti ang kalusugan nito, lalo pa’t ipagdiriwang niya ngayong buwan (Hulyo 25) ang kanyang ika-84 taong kaarawan.

Patuloy naman umanong nakikipag-komunikasyon si Dolphy sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay nito at iba pang facial gesture, at maging sa pagpisil ng kamay.

Hindi pa rin makapagsalita si Dolphy dahil sa tubo na inilagay sa kanyang leeg na tumutulong sa kanyang paghinga. - FRJ, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement