GMA News Online Ulat Filipino » Dagupan

Mga guro sa Pangasinan, inireklamo ang pagkaltas sa kanilang suweldo

July 4, 2012 9:46pm

Tags: Pangasinan
Naghihimutok ang maraming guro sa mga pampublikong paaralan sa 18 bayan sa Pangasinan dahil sa kinaltas na P1,000 sa kanilang sahod nitong nakaraang Hunyo.

Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, iginigiit ng isa sa mga nagrereklamong guro na walang dahilan para bawasan ang kanilang sahod dahil wala naman silang inaplayan na loan o insurance.

Idinahilan naman ng Department of Education sa Pangasinan na hindi kaagad naireport sa kanilang opisina ang reklamo ng mga guro.

Hindi raw dapat kaltasan ng suweldo ang mga guro kung wala naman silang pinirmahang promissory note.

Patuloy daw na iniimbestigahan ng DepEd ang naturang reklamo ng mga guro. – FRJ, GMA News



Tags: Pangasinan