GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Hot mom Juliana Palermo, nagpa-sexy sa cover ng isang men's magazine

July 18, 2012 4:37pm
Sexy sa dalawang alternate covers sa July issue ng isang men's magazine ang model-actress na si Juliana Palermo.

Kasalukuyang nakatira na si Juliana sa Los Angeles, California kasama ang kanyang 15-month old baby boy.

Napapayag daw ang sexy model-actress na maging cover girl ng Playboy Philippines dahil gusto niyang maging inspirasyon sa iba pang mga mommy na katulad niya.

Sa ulat ng Chika Minute ng 24 Oras nitong Martes, sinabi ni Julia na umabot ng 175lbs ang timbang niya noong buntis siya.

Pero bumalik ang kanyang dating sexy figure dahil na rin sa kanyang pagpupursigi sa diet at work out. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus