GMA News Online Showbiz

Bagong morning program lineup, magsisimula na sa July 23

July 21, 2012 10:03pm
Simula sa Lunes, July 23, lalong sasaya ang umaga ng ating mga Kapuso sa bagong program lineup na hatid ng GMA Network. Mas maaga nang mapapanood ang isa sa pinakasikat na Koreanovela, ang The Baker King.

Sa mga na-miss ang The Baker King, may pagkakataon na para mapanood muli ang katangi-tanging baking skills ni Kim Tak Goo. Muling mamangha sa kanyang determinasyon at kasipagan para maabot ang kanyang mga pangarap sa big return ng Koreanovelang ito.

Mapapanood ang pagbabalik ng The Baker King pagkatapos ng Unang Hirit.

Magbabalik din ang paboritong Kapuso Movie Festival na mapapanood tuwing 10:00 a.m. Huwag palampasin ang inyong mga paboritong action, fantasy, at romantic movies sa bago nitong timeslot.

Sigurado ring mas mag-eenjoy ang mga kids sa dami ng anime shows na kanilang mapapanood. Kasama sa weekday morning line-up ang Fairy Tail, Pokemon, Inu-yasha, Hunter X Hunter, One Piece, at Dragonball. Muli nating samahan sina Goku, Chichi, Gohan, Piccolo, Vegeta, at iba pang characters ng mga well-loved anime na ito sa kanilang mga adventures.

Gawing mas katakam-takam ang pagtatapos ng inyong weekday mornings with Chef Boy Logro’s Kusina Master. Sabayan siya sa pagluto ng mga pagkain na mapapa-“yum yum yum!" ka talaga sa sarap.

Huwag kalimutang panoorin ang The Baker King: The Big Return, after Unang Hirit, at ang Kapuso Movie Festival at 10:00 a.m., Monday to Friday, dito lamang sa GMA-7. - GMANetwork.com



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus