Sarah Lahbati, binigyan ni Richard Gutierrez ng mamahaling bag
Marami ang naintriga nang inamin ng Starstruck ultimate female survivor na si Sarah Lahbati sa press na binigyan siya ng Kapuso Hunk Actor, ang kanyang leading man na si Richard Gutierrez, ng isang mamahaling Balenciaga bag.
Ayon pa sa aktres, "Binigyan niya ako because, ahh, sabi niya, ano raw, I work too hard daw so, natuwa naman ako di ba na napaka-generous niya. Marami namang nagsasabi na ganun talaga siya sa mga kaibigan niya."
Ang naturang bag ay nagkakahalagang mahigit kumulang P100,000 - P300,000.
Gayundin, wala pa ring kumpirmasyon ang dalawang Kapuso stars ukol sa tunay na namamagitan sa kanilang dalawa.
"Let's not talk about that," maikling sagot ni Richard sa isang interbyu sa pilot episode ng H.O.T. TV nitong Linggo.
Sa parehong interbyu, nag-react din ang aktor sa naging tanong dahil inakala nitong tungkol sa "stem cell" ang katanungan sa kanya.
Bukod dito, nagbigay din ng saloobin ang ina ni Richard na si Annabelle Rama ukol sa napapabalitang pag-iibigan ng kanyang anak sa leading lady nitong si Sarah.
Wika pa ni Annabelle, "Nabalitaan ko, may kumo-kontra daw. Sabi ko, hindi pa nga ako nag-react, nag-react na sila? Mabait naman si Sarah at bagay naman sila ni Richard."
Ayon naman kay Sarah, ini-enjoy lamang niya ang pagkakaibigan nila ni Richard at focus lamang siya sa kanyang trabaho.
Aniya, "Right now, we're focused, we're happy, [and] we're having fun. May tamang time para sa ibang bagay."
Magkasama ang dalawa sa primetime series ng GMA-7 na Makapiling Kang Muli.
Gayunpaman, aminado naman si Sarah na malapit sila sa isa't-isa ng Kapuso actor kaya naman madalas silang tinutukso ng mga katrabaho sa set ng kanilang primetime soap.
"Right now, I don't want... I'm not confirming anything or denying anthing but we're both happy and inspired," saad ni Sarah sa ulat ng Balitanghali noong Biyernes.
Samantala, sa naunang balita, hindi talagang maiiwasang mapabalitang nagkakamabutihan na ang magkatambal dahil sweet na sweet sila sa kanilang adventure sa Bukidnon na napanood sa Pinoy Adventures noong Sabado.
Ayon sa ulat ni Pia Guanio sa Chika Minute ng 24 Oras, parehong happy at inspired ang dalawang Kapuso stars.
Wika pa ni Sarah, "I got to discover things about him na hindi ko naman na discover before."
Saad naman ni Chard na maraming saya ang nabigay sa kanilang dalawa sa pagbisita nila sa Bukidnon. - BM, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement