ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Meralco: 427,000 kabahayan walang kuryente
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Wala pa ring kuryente sa 427,000 kabahayan ng mga subscriber sa kabuuan ng franchise areas ng Manila Electric and Light Corporation (Meralco) kung saan nasa 275,000 hanggang 300,000 nito ay nasa Metro Manila. Ito ang ibinunyag ni Joe Zaldarriaga, spokesman ng Meralco, sa panayam sa DZBB. "As of 4 a.m., marami ang still without power.... Maraming lugar still flooded...," dagdag pa ni Zaldarriaga. Sinabi din ni Zaldarriaga na hinihintay pa ng Meralco na humupa ang baha sa karamihan ng mga apektadong lugar bago nila maipagpatuloy ang trabaho para maibalik ang daloy ng kuryente. — LBG, GMA News
More Videos
Most Popular