ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kapuso star Aljur Abrenica, maghahanap ng Good Samaritan sa Cebu
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG Aljur Abrenica, maghahanap ng Good Samaritan sa Cebu
Airing Date: August 11, 2012 Isa sa patuloy na misyon ng "Wish Ko Lang" ay ang maghanap ng mabuting samaritano ng modernong panahon. Isang taong handang tumulong at mag-alay ng panahon sa isang estrangherong nangangailangan. Sa pagkakataong ito, dumayo uli ang programa sa Queen City of the South, sa Cebu, at naki-isa pa ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica para sa aming pakay. Magpapanggap siyang nagpapagaling na pasyente na taga-Maynila na walang pera at naliligaw. Siya kaya’y iiwasan o papansinin?
Sa Metro Manila, nangibabaw din naman ang kabayanihan. Dahil habang kasagsagan ng ulan at baha, may mga rescuer at sibilyan na humarap sa panganib, mai-ligtas ang mga biktima ng hagupit ng habagat. Sino kayang Cebuano ang may busilak na kalooban na tutulong kay Aljur? Tunghayan din ang pagkakaisa ng ilan nating kababayan sa gitna ng matinding sakuna. Abangan sa "Wish Ko Lang," kasama si Vicky Morales, Sabado, 6:45 PM pagktapos ng "Pinoy Adventures" sa GMA-7.
More Videos
Most Popular