GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Sen. Bong Revilla, napahanga sa ganda ng rock formations ng Burgos, Ilocos Norte

August 14, 2012 4:05pm

Nahumaling si Senator Bong Revilla sa ganda ng lokasyon ng shooting para sa kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na pelikulang 'Si Agimat, Si Enteng, at si Ako'.

Makakasama niya sa naturang pelikula sina "Bossing" Vic Sotto at si Judy Ann Santos.

Ayon sa ulat ni Valerie Tan sa 'Balitanghali', kinunan ang ilang movie 'fight scenes' sa rock formations ng Burgos, Ilocos Norte nitong weekend.



"First time ko. Napakaganda [and] I heard kami 'yong una-unang nag-shooting daw doon [sa rock formations]. So, isang malaking karangalan," ayon kay Sen. Bong.

Samantala, masuwerte naman ang crew ng movie at ang senador dahil maganda ang lagay ng panahon nang araw na gawin ang naturang shooting.

Si Bossing Vic naman ang nakatakdang mag-shooting sa darating na linggo sa napakagandang lugar. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus