GMA News Online
Showbiz

Mikael Daez and Andrea Torres, destined na maging loveteam?

August 17, 2012 3:55pm



Kinilig ang mga Kapuso fans sa Legazpi City nang bumisita doon nitong Linggo sina Mikael Daez at Andrea Torres na kapwa kasama sa remake ng 'Sana Ay Ikaw Na Nga.'

Sa isang panayam with 'HOT TV' host Jennylyn Mercado, ikinuwento nina Mikael at Andrea kung paano sila napili bilang pinakabagong loveteam ng GMA at kung ano ang mga dapat abangan sa kanilang pagbibidahang teleserye.

Ayon kay Andrea, tila destiny nila ni Mikael ang maipareha sa isa’t isa.

“Hindi rin namin alam (kung paano nagsimula), parang destiny nga. Kasi nung ginawa pa lang namin ang My Beloved, niloloko na kaming dalawa, ‘uy Dessa and Nelson’," paliwanag ng dalaga.

Agad naman itong sinuportahan ni Mikael: “Dessa and Nelson ang characters namin sa My Beloved, tapos sinasabi nila ‘uy kayo na!’ Ngayon sa project na ito, kami na nga! I think it really is fate," he says with a smile.

Masaya rin ang dalawa sa tiwalang binigay ng GMA network sa kanila para pagbidahan ang remake ng isa sa mga original dramas nito.

“Very thankful kami sa GMA Network na binigay sa amin ang opportunity na ito at siyempre malaking project ito, one of the launching soaps ni Dingdong Dantes, one of the biggest stars today. Very, very excited ako," sabi ni Mikael.

Si Andrea naman, umaapaw ang kasiyahan sa natanggap na lead role.

“Ibang level ang happiness ko ngayon kasi hindi siya yung biglaan lang na gusto kong pasukin. Talagang naging part na siya ng buhay ko, yung pag-audition, mga pagsubok. So ngayon after a long, long time, natupad na nga ang pangarap ko na mabigyan ng break. Pagbubutihin talaga namin ni Mikael, promise namin yun sa isa’t isa," kuwento niya.

Mahalaga sa isang loveteam ang chemistry at bonding on and off cam, kaya tinanong ni Jennylyn kung gaano na sila ka-close sa isa’t isa.

“Parang natural lang, natural lang kaming nagiging close. Everyday nakakatuklas ako ng mga bagay about him, yung hindi namin pinipilit. May bond lang talaga," sagot ni Andrea.

For Mikael, ang pagiging pursigido ni Andrea ang nagustuhan niya sa dalaga.

“What I love about Andrea right now is yung chemistry namin at nag-coconnect kami in terms of what we want. Very passionate siya, gusto talaga niya mag-improve, buong puso niyang ibibigay lahat para lang maging successful yung show. Ganyan din ang naiisip at nararamdaman ko ngayon," paliwanag ng binata.

Tungkol naman sa mga dapat abangan sa kanilang version ng 'Sana Ay Ikaw Na Nga', ito lang ang nasabi ni Andrea: “Definitely maraming firsts na magaganap sa soap na ito. Ibang Mikael at ibang Andrea ang makikita niyo dito kasi very safe yung roles namin before. Ngayon talagang one big step forward."

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng 'Sana Ay Ikaw Na Nga', ngayong September 3 na sa GMA Afternoon Prime. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com/FRJ, GMA News
Go to comments




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus