Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Bong Revilla on his 1st telemovie for GMA-7: 'Hindi ako excited... excited na excited!'

August 19, 2012 1:19pm

Noong August 16 ay nagkaroon ng story conference para sa kauna-unahang drama series na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla, ang "Indio."

“Hindi ako excited… excited na excited!” sambit ng actor-politician tungkol sa proyektong ito, sa taped interview sa kanya ng Startalk TX.

“Sabi ko nga, never pa akong gumawa ng isang soap. If ever na gagawa ako, I want a telemovie.

“Television, pero movie ang approach."

Sa January 2013 pa raw ipalalabas sa GMA-7 ang Indio, pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ito ni Bong at ng produksyon.

Paliwanag ng aktor, “I want a longer timefor effects, longer time for shooting.

“Ayoko nang minamadali, ayoko ng simpleng proyekto.

“Gusto ko… something big kasi minsan ko lang gagawin ito, e.

“This might be my first and last na telemovie na gagawing ganito.

“Habang bata pa tayo, gusto ko namang mabigyan yung mga tagahanga natin ng libreng mapapanood sa telebisyon. Of course... 'yung epic proportion ang ating telemovie, malaking-malaki.

“Mahigit isang taon na naming pinaghandaan ito, e, dahil ultimo sa direktor, pumili tayo ng batang direktor na magha-handle nito, tapos yung sa casting.”

Ang direktor ng Indio ay si Dondon Santos, na bagong lipat mula sa ABS-CBN.

Dagdag pa ni Bong, “Parang pelikula talaga.

“Sabi ko nga, it’s a telemovie that’s why… ayokong sabihin na ito’y teleserye o epicserye. It’s a movie on television.”

Tatlo ang magiging leading ladies ni Senator Bong dito: ang Kapuso actresses na sina Jennylyn Mercado, Maxene Magalona, at Rhian Ramos.

“Mga bata kaya kailangang bata rin ako!” ang tumatawang sabi ng 45-year-old actor-politician.

“Kaya every morning nagwo-workout, diet… so I really have to look younger.”

Kabilang din sa malaking cast ng Indio sina Jomari Yllana, Agot Isidro, Polo Ravales, Robert Arevalo, Benjie Paras, Bobby Andrews, Maritoni Fernandez, at Chinggoy Alonzo.

MMFF MOVIE. Bukod sa kanyang telemovie, busy rin si Bong sa pelikulang pagsasamahan nila nina Vic Sotto at Judy Ann Santos – ang Si Agimat, Si Enteng, at Ako.

Banggit niya, “Nakaka-forty percent na kami ng shooting namin ni Vic Sotto and, of course, si Miss Juday.

“Napakasaya ng pelikula, talagang mas, kumbaga, mas pinakilig, mas nakatatawa, mas yung aksyon, mas malaki.”

Mas gamay na rin daw ngayon nina Senator Bong at Bossing Vic ang isa’t isa, at lalo pa raw sumaya sa set nang makasama nila si Juday.

“Yung Part 1, yung Agimat at Enteng, si Agimat dun, medyo stiff pa, e.

“Nung naka-adjust na si Agimat sa mundo ni Enteng Kabisote, iba na ngayon, so mas maraming nakakatawa na eksena.

“Pagka magkaeksena nga kaming tatlo, tawa kami nang tawa!

“Ang saya, ang saya-saya sa set, kaya makikita mo yung rapport naming tatlo at saka yung chemistry ng pagsasama namin, nandun.”

Entry sa Metro Manila Film Festival 2012 ang Si Agimat, Si Enteng, at Ako. PEP.ph




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement