GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Epic-telemovie ng GMA 7 na ‘Indio,’ pangunguhan ni Sen. Bong Revilla Jr.

August 22, 2012 10:40pm

Sa laki ng produksyon at cast, ayaw tawagin ni Senador Bong Revilla Jr., na teleserye ang gagawin niyang pinakamalaking proyekto ng GMA 7, ang Indio.

“First time kong gagawa ng pelikula na ganung ka-period… 1565 to 1663. So yung look ng pelikula ibang iba, aatras tayo… preparation pa lang talagang napakatindi," pahayag ni Sen Bong sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules.

Leading ladies ni Sen Bong sa telemovie sina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos at Maxene Magalona. Kasama rin sa cast sina Agot Isidro, Jackie Lou Blanco, Solenn Heussaff, Sam Pinto, Sheena Halili, Rocco Nacino, Jomari Yllana, Michael de Mesa, Bobby Andrews at Ramon Christopher.



Itinuturing ang Indio ang magiging pinakamalaking proyekto ng GMA 7. Asahan umanong magiging mabusisi ang mga detalye sa babalikang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas.

Dahil batid niya na hindi magiging madali ang proyekto, sa ngayon ay itinuturing ni Sen. Bong na ang Indio ang kanyang magiging una at huling series.

Ngunit bukod sa nais niyang subukan ang paggawa ng movieserye, inihayag ng senador na pumayag siya sa proyekto dahil ang malaking bahagi ng kikitain niya rito ay mapupunta sa kanyang scholarship foundation. -- FRJimenez, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus