ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Aga Muhlach at Regine Velasquez, muling magpapakilig sa pelikulang 'Of All The Things'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos ang dalawang block buster films ng tambalang Regine Velasquez at Aga Muhlach, mapapanood na silang muli sa romantic comedy film na "Of All The Things."
Ayon sa ulat ni Audrey Carampel sa Chika Minute ng 24 Oras noong Lunes, nananatili pa rin ang kanilang chemistry bagama't sampung taon na ang nakalipas mula nang huli silang nagkatambal sa isang pelikulang.
Tuwang-tuwa sina Aga at Regine dahil natapos na ang di-umanong three years in the making nilang pelikula na matagal na ring inaabangan ng kanilang fans.
"Sobrang happy kami na ganon lang pala, ganon lang pala? Matatapos na, no. Hindi nga namin naintindihan kung bakit nagdelay-delay pa kami," biro ni Regine.
Dagdag pa ng Asia's Song Bird, "Hindi lang talaga nagtugma-tugma. Nabuntis ako [at] nag-asawa."
"I just had a crush on her and parang it's as simple as that na hindi mo masabi, parang hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin 'yon. Siguro baka it wasn't meant to be," pahayag ni Aga.
Ayon naman kay Regine, "Kasi 'yong mga ganong klasing connectionment, it doesn't always have to be na love 'yong ending mo, eh. I mean, we love each other, we care about each other, pero hindi talaga kami papunta doon kasi merong ibang itinakda for us."
Samantala, isa raw si Aga sa nalulungkot sa pagpanaw ng DILG Secretary Jesse Robredo.
Isa raw ang yumaong DILG secretary sa nag-alok ng tulong sa planong pagtakbo ng aktor bilang kongresista sa 4th district ng Camarines Sur sa 2013 election poll.
“And as a matter of fact, when I entered Liberal, siya ang kumausap sa akin because he’s from legal also. And he would always tell me na, ‘O, Aga, pag may problema ka, sabihin mo sa akin. You let me kow. You know if I can be of help anytime,’" batid ng aktor. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular