ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 lalaki sa Iloilo, ‘pinasok’ ng kidlat sa loob ng bahay, patay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang lalaki na nagbibihis ang nasawi nang tamaan ng kidlat sa loob ng kanilang bahay sa Banate, Iloilo. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing nabasa sa ulan ang dalawang biktima na parehong nanggaling sa pagtatrabaho sa bukid. Pagdating sa kanilang bahay, nagpapalit na umano ng damit ang dalawa nang bigla silang tamaan ng kidlat habang kasagsagan ng malakas na ulan. Sa lakas ng kidlat, nabutas ang dingding ng bahay at tinamaan din ang isang puno sa labas nito. - FRJ, GMA News

Tags: iloilo, lightning