GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Kris Bernal, handang ipaputol ang buhok para magmukhang lalaki sa Coffee Prince

August 30, 2012 11:58pm
Handa raw si Kris Bernal na ipaputol ang kanyang buhok para magmukhang lalaki sa gagampanan niyang role sa Pinoy version ng hit Korean series na Coffee Prince.

Balik-tambalan sa inaabangang primetime series na Coffee Prince sina Kris at Aljur Abrenica. Kasama rin ang bagong Kapuso hunk na si Benjamin Alves.

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Huwebes, sinabing kapwa excited sina Kris at Aljur sa kanilang balik-tambalan.

Pag-amin ni Kris, hindi niya maiwasan na laging maikumpara kay Aljur sa iba niyang naging ka-loveteam dahil sa pagiging maasikaso sa kanya ng binata.

Pahayag naman ni Aljur, bahagi na ng kanyang career si Kris at hindi niya mararating ang kanyang naabot kung wala ang dalaga.



Kapwa itinuturing nina Kris at Aljur na big challenge ang kanilang role sa Coffee Prince na pumatok noon sa mga manood.

Gagampanan ni Kris ang karakter ng isang babae na magpapanggap na lalaki.

Ayon kay Kris, handa siyang magpagupit ng buhok para magampanan ng tama ang naturang karakter bilang si Andi.

“Mas gusto ko po (na putulin ang buhok) para sa role… para mapaglaruan ko saka may bago sa akin, para maging natural," pahayag ng dalaga.

Samantala, kahit nali-link ngayon si Kris kay Carl Guevarra at si Aljur naman kay Kylie Padilla, sinabi ng dalawa na hindi imposibleng nanumbalik ang kanilang dating pagtitinginan dahil sadyang malalim na raw ang kanilang pinagsamahan. - FRJimenez, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus