Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

'Original Bona' Nora Aunor surprises 'new Bona' Eugene Domingo at PETA

September 3, 2012 11:00am
Tulad ng naunang plano, sinurpresa ni Nora Aunor ang bidang aktres ng dulang Bona noong September 1, sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
 
At the last minute, hindi talaga alam ni Uge na kagabi ang surprise appearance ni Ate Guy kaya naging emosyonal ang actress-comedienne sa curtain call.
 
Nang tawagin sa stage si Nora ay mahigpit muna silang nagyakapan ni Eugene.
 
Napaiyak si Eugene sa sobrang tuwa at halos hindi makapagsalita. 
 
Nang ma-compose ang sarili, Eugene was her usual self na nagpapatawa, kahit hindi makapagsalita nang tuluy-tuloy.
 
"Ay, sana po talaga ma-picture-an niyo kami. Hindi ko talaga... ni sa hinagap, hindi ko akalain na mangyayari ito...
 
"Ah, artista po akong... artista, na bata pa lang ay humanga na sa isang katulad mo," sabi ni Uge habang nakaharap kay Guy. 
 
"At hindi ko inisip na mangyayari ito sa buhay ko. At magkakaroon ako ng pagkakataon, na aliwin ka, at ulitin sa harap mo ang isang napakagandang pagganap."
 
To her audience, sabi rin ni Uge, "Mapalad po tayo na pinagbigyan tayo ngayon...dahil alam ko naman na si Ms. Nora Aunor, bilang artista, siyempre iba na ang kanyang iniisip. Pero hindi pa rin siya tumitigil at gumagawa ng pelikula..."
 
Matamang nakikinig lang si Ate Guy at nakangiti habang nagsasalita ang komedyana.
 
"Alam ko... Thy Womb! Alam ko yan! Gagawin kong stage play ‘yan!" biro pa ni Uge, tungkol sa latest indie film na tampok ang Superstar na nakatakdang magtungong Venice, Italy, para sa lalahukang international filmfest ng pelikula, kasama ang direktor na si Brillante Mendoza.
 
"Kaya samahan niyo po ako. Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang para sa akin ay nag-iisang Superstar!" pagyakag ni Uge sa audience.
 
Muli, nagpalakpakan ang lahat. Muling nagpasalamat si Uge, na tila hiyang-hiya pa kay Nora at sa mga kasama nito na dumalo sa naturang performance ng Bona, tulad nina Ricky Lee at Chanda Romero na nasa stage rin.
 
Pinasalamatan din ni Eugene ang Philippine Educational Theater Association o PETA.
 
"PETA, salamat... Thank you, Ate Guy. Sa inyo po,” baling ni Eugene kina Ricky Lee, “Salamat po sa mga artistang narito... Chanda Romero...
 
“Ay, magre-retire na po ako!" biro pa ni Uge.
 
Pagkatapos ay si Nora naman ang pinagsalita ng taga-PETA.
 
Mensahe na rin ito ni Ate Guy kay Uge.
 
"Ah, pinaligaya mo kami, lalo na ako," aniya, na obviously ay natuwa sa mga eksenang comedy ni Eugene, bilang si Bona.
 
"Dalawa ho ang 'anak' ko dito. Siyempre, yung bunso at yung panganay. Ayan, si Edgar, at saka si Uge.
 
Ang tinukoy nga niya ay sina Edgar Allan Guzman bilang Gino Sanchez sa play, ang object of affection and obsession ni Bona, at si Eugene bilang Bona the fanatic.
 
Nag-butt in uli si Uge as Ate Guy mentioned her and Edgar Allan. The duo did some passionate kissing scenes onstage.
 
"Naririnig kita kanina, e... sabi mo, 'Uyyy... uyyy!'" baling ni Uge kay Nora pagkatapos.
 
Sabi naman ni Ate Guy, "Mahirap yun, ha! Umaarte ka, pagkatapos naririnig mo yung reaction!"
 
"Mahirap talaga itong Bona! Ang hirap!" natatawang banggit pa ni Uge.
 
"Pero napakagaling po. Yung ginanapan ko sa pelikula, drama, di ba? Mas maganda po ito ngayon," may paghangang lahad muli ng Superstar sa very talented comedienne and stage actress.
 
Somehow, Nora returned the compliment to Uge, who said in the play's launch, "Kahit banlian niyo ako ng kumukulong tubig, hindi ko kayang gawin ang ginawa ni Nora Aunor!"
 
Ang pagsabi ng "banlian" at "kumukulong tubig" ay kuha sa climactic scene sa pelikula, kung saan ibinuhos ng isang long-suffering alalay and devoted fan ang kanyang poot sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong kaldero ng tubig sa katawan ng kanyang idolo.
 
At muling nag-congratulate si Nora sa lahat ng bumuo ng dulang Bona.
 
Bukod kina Eugene at Edgar Allan, ang nag-perform kagabi ay sina Phil Noble (as Baldy, Bona's best friend), Raffy Tejada (Ronald, Gino's PR-manager), She Maala (Binky, Bona's sister/GRO 1), Dudz Terana (Chiqui) at Jason Barcial (Nini), Julienne Mendoza (Bert, Bona's suitor); BJ Forbes (Bingo, Bona's nephew), Gabs Santos (Raf, Baldy's boyfriend) at Anna Luna (Katrina, Gino's girlfriend/GRO 2).
 
"Binabati ko po kayong lahat dahil napakagaling ninyo.
 
“Direk, kailan kaya ako?"
 
Nora was asking the director of the play, Soxie Topacio, who could not be found at the time.
 
Dinirek na rin si Nora ni Soxie sa una niyang dalawang pinagbidahang stage plays noong '90s, ang Minsa'y Isang Gamu-Gamo nung 1991 at ang DH (Domestic Helper) nung 1992.
 
Si Ricky Lee ang nagsulat para sa entablado ng dalawang plays ni Nora. 
 
This time, ang Bona, ang pelikulang pinagbidahan ni Nora nung 1980 sa direksiyon ni Lino Brocka, ay isinulat at in-adapt for stage ngayong 2012, ni Layeta Bucoy.      
 
Then Eugene said in jest, as an afterthought, "Ay, Ate Guy, gagawa tayo ng stage play na Kimmy Dora, ikaw ang gaganap! Aabangan natin si Ate Guy, gagawa siya ng stage play!"
 
Ang Kimmy Dora (Parts 1 and 2) ang hit movies na pinagbidahan ni Eugene Domingo, na isinulat ni Chris Martinez at idinirek ni Bb. Joyce Bernal. 
 
Kasalukuyan ding showing ang Eugene Domingo-starrer na I Do Bidoo, Bidoo, with Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Tippy Dos Santos, and Sam Concepcion. Directed ito ni Chris Martinez.
 
Bago mag-final bow ang cast na gumanap kagabi, in-acknowlege din ni Ate Guy ang iba pang artistang nanood ng espesyal na pagtatanghal ng Bona, tulad nina Rita Avila, na nanood kasama ang kanyang mister; TV-movie director Erick Reyes; at Jamie Rivera, kasama ang manager na si Ms. Ming Tinana.
 
Ang show buyer ng dula kagabi ay ang team ng indie filmmaker na si Alembarg Ang, na nag-produce ng award-winning film na Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa. 
 
FOND OF UGE.  Nakausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang hiwalay na panayam si Nora Aunor at sinabi nga niyang natutuwa talaga siya kay Eugene.
 
Ito'y sa kabila ng napabalita ring isa umanong "Vilmanian" (o fan/supporter ni Gov. Vilma Santos-Recto) ang premyadong actress-comedian.
 
"Kayo talaga..." nangingiti lang si Nora tuwing maririnig ang ganung pagtukoy kay Uge.
 
"Nakakatuwa naman si Uge. Nung nagsama kami sa mini-serye," ani Ate Guy, "kapag naghihintay kami ng set-up... Diyos ko, tawanan kami nang tawanan!
 
"Hindi raw niya akalain na gano'n ako 'kaloka'! Noranian na daw siya, e!"  natatawang pagbanggit din ni Nora.
 
Higit ding lumalim ang pagkakilala o namuong pagkakaibigan ng dalawa dahil kapwa nila nakatrabaho at minahal ang yumaong direktor na si Mario O'Hara.
 
RECOGNITION. Meanwhile, ipinaalala sa PEP ni Noel Ferrer, Edgar Allan's manager, na magkakaroon ng "thanksgiving and recognition program" sa huling gabi ng pagtatanghal ng Bona, sa PETA Theater, sa September 23, 2012.
 
"With the original cast of the film, to be led by Ms. Nora Aunor and Mr. Phillip Salvador," paanyaya ni Ferrer. 
 
Si Phillip ang gumanap noon, bilang si Gardo Villa, ang papel na ni-reprise ngayon ng alaga niyang aktor na si Edgar Allan, bilang si Gino Sanchez.
 
"Para sa tickets sa special last night performance na ito ng Bona, maaaring tumawag o mag-text sa mga numerong 09178390768 at 09205340102," pag-inform din ni Ferrer. - Pep.ph
Go to comments



advertisement
advertisement
advertisement