GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Bela Padilla, masaya sa kanyang kauna-unahang title role na 'Magdalena'

September 9, 2012 1:12pm

Hindi mapantayan ang kaligayahan ng Kapuso actress na si Bela Padilla ngayong binigyan siya ng title role sa afternoon primetime soap ng GMA-7 na "Magdalena" na magsisimula na ngayong Oktubre.

"Yes. It's my first ever title role, siyempre, sobrang saya ko parang hindi ko ma-imagine na makukuha ko ito this year," pahayag ni Bela sa StarTalk TX nitong Sabado.



Ayon pa sa aktres, daring ang kanyang gagampanang role rito kaya kailangan talaga itong abangan ng mga manonood.

Aniya, "Talagang isa ito sa mga role [ang Magdalena] gusto ko talagang gawain. It's gonna be a sexy show that's for sure. So marami silang aabangan."

Makakapareha ni Bela dito ang Starstruck 1 survivor na si Dion Ignacio at kabilang din sa kanyang leading men ang sexy newcomer na si Pancho Magno.

Ayon kay Pancho, "Ngayon kinakabahan na ako dahil first time kong maglead. Gusto ko pong ipakita na sobrang worth it na ako po yong kinuha nila."

Maliban sa kanyang dalawang sexy leading men, excited na rin ang Kapuso host and actress na si Pauleen Luna sa naturang palabas dahil gaganap siya rito bilang kontrabida.

Wika pa ni Pauleen, "This is different kasi I've never portrayed a kontrabida role na mahirap. Always glamorous, ayos, mayaman, at maayos magdamit. But this time it's a different story."

"It's something new because first time ko makakatrabaho halos lahat except of course, si Direk Gina, and I'm looking forward kasi sa probinsiya raw po kami magta-taping," dagdag ng aktres.

Gayundin, bukod sa kanyang bagong proyekto, masaya rin si Pauleen dahil malapit nang matapos ang kanyang bagong bahay na pinapatayo.

"Malapit na. Malapit na malapit na. Naglalagay na kami ng furniture. Hinayaan ko talaga yong mommy ko na i-design yong buong bahay," sabi ni Pauleen.

Dagdag pa niya, "Parang nagulat kami kasi we had no idea on how the house is gonna look. so nagulat kami and it's very very nice and very homey. Touch talaga ng babae."

Samantala, isa rin sa leading men ng palabas ang aktor na si Ryan Eigenmann. Muling makakatrabaho ng aktor ang kanyang inang si Gina Alajar bilang direktor ng nasabing soap.

Sa ginanap na story conference ng "Magdalena," masayang ibinida ni Direk Gina ang tungkol sa pangalawang apo nito sa kanyang anak na si Ryan.

Bukod dito, gusto na rin daw ng direktor na magkaroon ng apo sa dalawa pa nitong anak na sina Geoff at AJ.

"Mag-asawa na sila [Geoff at AJ] at makita ko na rin yong hitsura ng iba kong apo sa kanila," kwento ni Direk Gina.

Dagdag pa nito, "Si Geoff mukhang wala pa, eh. Ewan ko tanungin niyo sila ni Carla, diba? Pero para sa akin inaano ko na siya, pinapahanda ko na siya, sabi ko, 'Oh. Magready-ready ka na. Dapat meron ka nang bahay at lupa. Meron ka nang maraming pera para makabuhay ng pamilya." Mac Macapendeg/BM, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus