Halos P300-M jackpot prize sa Grand Lotto 6/55, nahagip na
Dalawang masuwerteng mananaya ang maghahati sa halos P300 milyong jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto daw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong nitong Miyerkules, Setyembre 12. Sa 6/55 draw na ipinalabas sa PTV-4 nitong Miyerkules ng gabi, ang lumitaw na winning combination ay 25-52-26-05-49-17. Umabot ang jackpot prize sa P299.897 milyon. Sa huling bahagi programa, ipinaalam ng host na batay sa computer monitoring ay mayroong dalawang mananaya ang nakakuha sa lumabas na kombinasyon ng mga numero. Hindi naman sinabi kung saan galing ang mga tumamang mananaya. Huling napanalunan ang jackpot prize sa 6/55 draw noong July 4 na umabot ang pa-premyo sa P163.921 milyon. Ang pinakamalaking papremyo sa Grand Lotto 6/55 ay umabot sa P741 milyon na tinamaan ng isang 60-anyos na balikbayan na tumaya sa Olongapo City noong Disyembre 2010. Samantala, wala namang nanalo sa isa pang draw para sa 6/45 nitong Miyerkules, Sept. 12. Ang winning combination sa naturang draw ay 27-09-18-32-34-02, na may papremyong P4.5 milyon. â FRJimenez, GMA News