GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Maroon 5 singer Adam Levine, bagong endorser ng Bench

September 13, 2012 2:56pm
Kinumpirma ng sikat na clothing brand na Bench nitong Huwebes na ang American singer na si Adam Levine, frontman ng pop rock band na Maroon 5, ang kanilang pinakabagong endorser.

Ayon sa opisyal na Twitter account ng Bench, "We officially welcome #GlobalBenchsetter @adamlevine to the Bench Family. So thrilled to have you as our newest endorser."

Darating sa bansa ang sikat na singer para sa isang meet-and-greet na gaganapin ngayong Setyembre 17 sa SMX, Pasay City.

Maliban kay Levine, nauna nang napabilang sa international Bench endorsers ang America's Next Top Model (ANTM) All-Stars alumni na sina Dominique Reighard at Allison Harvard na rumampa sa Philippine Fashion Week noong Mayo.

Kasama rin sa international endorsers ng Bench ang Hollywood stars na sina Joe Jonas, Michael Trevino ng "The Vampire Diaries" at Lucy Hale ng "Pretty Little Liars."

Maliban dito, dumating sa bansa noong Agosto ang Korean Pop (KPop) singers na sina Dong Hae and Si Won ng Super Junior para sa kanilang meet-and-greet na handog din ng Bench.

Dinala rin ng naturang clothing brand ang kauna-unahang British winner ng ANTM na si Sophie Sumner para rumampa sa Bench Universe Fashion Show na gaganapin sa SM Mall Of Asia Arena nitong Setyember 13 at 14.

Ayon pa kay Sophie sa kanyang opisyal na Twitter account, "Ahhh! So excited to be walking in #BenchUniverse tonight!! You best all be watching!!" Mac Macapendeg/KBK, GMA News
Go to comments