GMA News Online
Ulat Filipino
»
Iloilo

7-anyos na mag-aaral, tinangka raw dukutin sa loob ng paaralan

September 13, 2012 10:54pm
Hinigpitan ang seguridad sa loob at labas ng isang public school sa Iloilo matapos maiulat ang bigong pagdukot sa isang mag-aaral.

Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, sinabing nakaligtas ang batang mag-aaral ng Leganes Elementary School nang kagatin nito ang kamay ng hindi nakilalang suspek.

Kwento ng bata, hinihintay niya ang kanyang pinsan sa gym ng paaralan nang biglang sumulpot ang isang lalaki na nakasuot ng bonnet.



Walang sabi-sabi, bigla umano siyang hinatak ng suspek. Nakaalpas umano siya nang kagatin nito ang kamay ng suspek at tumakbo patungo sa kinaroonan ng kanyang pinsan.

Kasunod nito ay nawala na umano ang suspek at wala ring nakapansin sa kanyang paglabas sa paaralan.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya at maging ang mga nagtitinda sa labas ng paaralan ay ipinagbawal na. - FRJ, GMA News
Go to comments