GMA News Online
Showbiz

Rafael Rosell, maghahanda ng husto para sa Temptation of Wife

September 18, 2012 5:35pm



Aminado ang bagong Kapuso na si Rafael Rosell na hindi pa siya handa sa pagbibigay buhay kay Nigel, ang magiging role niya sa kanyang unang major primetime series sa GMA-7 na Temptation of Wife.

Sa ginanap na story conference para sa nasabing upcoming teleserye kamakailan, inilahad ng aktor ang kanyang mga planong gawin para maging maganda ang kanyang performance.

"Papanoorin ko muna [ang original]. Kukunin ko muna ang character study, babasahin ko muna yung script, at kakausapin ko muna si Direk [Dominic Zapata] para sa mga importanteng punto. Pagkatapos noon, maybe I can say na ready na ako," Rafael shared.

Mixed emotions din daw ang nararamdaman niya nang malaman niya kung sino ang mga artistang makakasama niya sa primetime teleseryeng ito.

"Una, siyempre excitement kasi ‘Wow! Anlalaki ng mga artistang kasama ko.’ Second, yung kaba kasi siyempre they are very well-respected actors and actresses. I have to keep up with them. It’s going to be challenging and fun at the same time," kwento niya.

Hindi rin siya nahirapang mag-adjust sa bagong network, lalo na't matagal na niyang kaibigan ang mga magiging katrabaho.

"Wala namang sobrang adjustment. The people here are very, very friendly. [It's] almost the same way of work na may kaunting kakaiba lang kaya it’s easier to adjust. I can’t really say that I’m not enjoying. I’m super enjoying," paliwanag nito.

Dagdag pa ni Rafael, "Iisa lang kami ng manager [nina Dennis at Marian] tapos nag-dinner na rin ako kasama sila dati pa, bago pa ako lumipat [ng network]. Si Dennis nakasama ko na dati. Wala namang masyadong adjustments pagdating sa aming working relationship."

Mapapanood si Rafael sa Party Pilipinas tuwing Linggo, at sa Pinoy remake ng hit Koreanovela na Temptation of Wife, soon on GMA Telebabad. - Michelle Caligan/FRJ, GMANetwork.com




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus