GMA News Online
Ulat Filipino
»
Iloilo

2 katao, patay sa banggaan ng motorsiklo at bus

September 22, 2012 6:05pm
Nasawi ang rider at ang kanyang kaangkas nang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa San Dionisio, Iloilo.

Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Biyernes, sinabing posibleng hindi umano nakita ng rider ng motorsiklo ang kasalubong na bus sa kurbadang bahagi ng kalsada.



Kusang loob naman na sumuko pulisya ang drayber ng bus at iginiit na sinikap niyang iwasan ang motorsiklo.

Hinihintay pa umano ang desisyon ng pamilya ng mga namatay kung sasampahan ng kaso ang drayber ng bus. -- FRJ, GMA News