ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Dito lang ako sa labas' sa 'Wish Ko Lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Wish Ko Lang!
Airing Date: October 13, 2012
Dito Lang Ako Sa Labas
Sa Project 4, Quezon City, may isang babae raw na makikita na nasa isang puwesto lang sa bangketa. Umula’t umaraw ay hindi siya umaalis, may mga naaawa na nagbibigay ng pagkain, ang iba nama’y nilalabas ang hose nila sa garahe para siya’y makaligo. Nang usisain, napag-alaman na ang ngalan niya ay Vivian at ang dahilan kung bakit siya nanatili roon ay kilala niya pala ang mga nakatira sa tapat na bahay, ito ay kanyang mga anak at dating asawa. Malaki raw ang galit sa kanya dahil sa nagawang kasalanan noon kaya hindi siya makapasok. Ano ang totoong kuwento sa pamilya ni Vivian at ito nga ba ang nararapat na kabayaran sa pagkakamali noon?
Haunted House
Sa Mandaluyong, isang tahanan daw ang pinamamahayan ng kababalaghan. Ayon sa mga nakatira rito, may mga pagkakataon na may naririnig silang pumipito. Minsan, may isang babae raw na naglinis mismo sa loob ng bahay. May nangyari pa raw na kahit sarado pa ang bintana ng kuwarto, isang linggo raw ito pinasok ng tuyong dahon. Nang isangguni sa albularyo, ang isang kasamahan nila ay bigla na lang nakasugat sa kamay. Hindi man nila maipaliwanag ang mga kaganapan, nababahala sila kung bakit may nagpaparamdam sa kanila. Nais nilang ipa-basbas ito sa pari ngunit nauunahan sila ng takot na baka lalong magalit at magambala ang mga elementong kasama nila sa bahay.
Hindi Ko Gustong Iwanan Ang Anak Ko
Hindi naman daw ginusto ni Josefina na iwanan ang kanyang anak noon. Dahil nang maghihiwalay na sila ng kanyang mister, pilit niyang kinukuha ang anak pero ayaw daw ibigay sa kanya ng asawa. Kung sakali raw na tangkain niya uli na kunin ang bata, tiyak na magkakagulo. Lumipas ang maraming taon, kahit siya’y nakapag-asawa na, hindi maalis sa isipan ang kanyang panganay, umaasa na lang siya na mag-krus muli ang kanilang landas. Ngunit umiikli na raw ang mitsa ng buhay ni Josefina dahil siya’y may malubhang karamdaman kung saan tinanggihan na siya ng mga ospital. Kaya ganun na lang ang pananabik niya na sana’y mapadali na ang pagkikita nilang muli ng anak. Sundan ang Wish Ko Lang sa Facebook at sa Twitter!
More Videos
Most Popular