Biniyak sa apat ang isang lalawigan sa Luzon
Alam niyo ba kung anong bulubunduking lalawigan sa Luzon ang hinati sa apat noong 1966 sa bisa ng isang ipinasang batas? Sa bisa ng Philippine Commission Act No. 1876 na pinagtibay noong Agosto 1908, nilikha ang Mountain Province. Kasamang nilikha ang mga sub-provinces na Amburaya, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Lepanto at ang Bontoc na nagsilbing kabisera ng lalawigan. Sa paglipas ng panahon at pagnanais na mapabilis ang pag-unlad ng lugar, nilikha ang Republic Act 4695 noong Hunyo 1966 upang biyakin sa apat na lalawigan ang Mountain Province. Naging daan ito upang lubos na maging lalawigan ang Benguet at Ifugao. Habang pinagsama naman ang Kalinga at Apayao, at ang bagong Mountain Province. Noong 1987, isang Executive Order ang nilikha para itatag ang Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan bahagi ang mga lalawagin na sakop ng lumang Mountain Province. Mula sa pagiging Administrative Region, naging Autonomous Region ang CAR noong 1997 sa bisa ng Republic Act No. 8438. - FRJImenez, GMA News