ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Beauty queen na naging senadora


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kilala niyo ba kung sino sa mga naging lady senator ang kinoronahan noon bilang pinakamagandang babae sa Pilipinas? Bago nag-iwan ng marka sa larangan ng pulitika, unang nakilala si Senador Maria Kalaw Katigbak bilang Miss Philippines sa prestihiyo noon na Manila Carnival beauty pageant. Isinilang noong February 14, 1912 sa Maynila, nakamit ni Sen. Katigbak ang korona sa Manila Carnival noong 1931 o sa edad na 19. Ngunit bukod sa angking kagandahan, puno rin ng karunungan at kagandahang loob ang mambabatas na naging social worker. High school valedictorian siya sa Philippine Women’s University (PWU) at may hawak Bachelor of Philosophy degree sa the University of the Philippines. Magna cum laude siya sa Doctor of Philosophy degree sa Social Sciences sa University of Santo Tomas. Naging presidente rin si Katigbak ng Girl Scouts of the Philippines, Municipal Symphony Orchestra, at Philippine Women’s Writers Association. At kasapi ng board sa National Education, Board of Trustees, Philippine Normal College, Philippine College of Commerce, Philippine college of Arts and Trade, Movie Television and Review Board at iba pa. Nang pasukin ang pulitika noong 1961, siya lamang ang nag-iisang babaeng senador sa nabanggit na panahon na tumagal ang termino hanggang 1963. Ilan sa mga batas na kanyang iniakda ay ang Consumers Protection Bill law, Social Work Law, pagbuo sa National Commission on Culture at ang pagbabalik ng lumang school calendar. - FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia