We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ipinag-utos ng isang opisyal ng army sa kanyang mga tauhan na magdala ng kopya ng Rules of Engagement sa lahat ng oras, kahit sa panahon ng bakbakan, para matandaan ang mga patakaran sa labanan. Ayon kay Lt. Col Lyndon Paniza, tagapagsalita ng 10th Civil Military Operations Battalion ng 10th Infantry Division ng Philippinenitong Army, ang kautusan ay inilabas ni Major Thaddeus Obligado, commander ng nasabing battalion. Dagdag pa ni Paniza, ang kautusan ay kalakip sa "seven rules" na dapat sundin ng mga sundalo sa mga panahon ng bakbakan. "In January 2011, Army commanding general, Lt. Gen. Emmanuel Bautista ordered the issuance of a two ID-sized laminated rules of engaement (ROE) cards, translated in English and in the vernacular, to all troops in field and in headquarters as part of the new counter-insurgency campaign Bayanihan implemented by the Armed Forces of the Philippines," ayon sa pahayag ng 10th ID.
Alyansa Tigil Mina (ATM) and human rights groups at an indignation rally Thursday morning at Camp Crame in Quezon City to denounce the massacre of B’laan tribe members allegedly by Army's 27th IB in Davao del Sur. Jay Azucena, PhilRights
Ito'y bunsod umano sa mga pambabatikos na natanggap ng militar ukol sa kontrobersiyal na pagkamatay ng isang buntis mula sa tribong B'laan, kasama ang kanyang dalawang mga anak, at ang pagkasugat pa ng isang batang babae. Matatandaan na noong Oktobre 18, namatay ang buntis na si Juvy Capion, at ang kanyang mga anak na sina Jordan, 13; at si John Mark, 6, sa pananalakay ng mga sundalo sa tahanan ng mga biktima sa Purok Uno, Sitio Alyong, Barangay Kimlawis sa Kiblawan, Davao del Sur. Ayon sa mga naunang pahayag ng militar, isang lehitimong operasyon ang isinagawa ng mga sundalo ng 27th Infantry Battalion, kung saan nakasagupa nila ang grupo ni Daguel Capion, isang B'laan tribal leader na asawa ni Juvy. Inilarawan ng militar sa kanilang mga naunang pahayag na lider ng isang bandidong grupo si Daguel, kung kaya siya hinahanap ng mga sundalo. Pinasinungalingan naman ng pamilya Capion ang pahayag ng militar. Hindi rin pinaniniwalaan ng mga mga grupong tumututol sa pagmimina ng kompaniyang Sagittarius Mines, Inc sa lugar ng mga B'laan ang phayag ng mga sundalo. Para sa kanila, si Daguel ay siyang tumatayong lider ng mga B'laan na naglunsad ng "pangayaw," isang uri ng tribal war. Dahil sa mga batikos laban sa mga sundalo, tinanggal ni Lt. Gen. Bautista ang commander ng 27th IB na si Lt. Col. Alexis Bravo, pati na rin ang pitong iba pang mga sundalo, na sangkot sa operasyon noong Oktobre 18. Iniutos din ni Bautista ang pagbuo ng isang Board of Inquiry na siyang nag-imbestiga sa mga sangkot na mga sundalo kung lumabag ba sila sa ROE ng sinalakay nila ang bahay ng pamilya Daguel. Samantala, sinabi ni Paniza na inaasahang ilalabas na sa Lunes ng Board of Inquiry ang resulta ng kanilang ginawang imbestigasyon kay Bravo, at sa mga tauhan nito. “We also want to know what really happened on that day and to assure those who are in doubt that there is no whitewash on this issue. We are probing to also give justice to the casualties of this incident," ayon kay Paniza. — LBG, GMA News