Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Sharon Cuneta apologizes to Kris Aquino

November 15, 2012 6:38pm



Tila baguhan pa talaga si Sharon Cuneta pagdating sa social media at blogs.

Nitong Huwebes, November 14, inakala ng Megastar na totoo ang isang "parody interview" na lumabas sa isang blog.

Isang fan ang nagparating sa singer-actress-TV host tungkol sa "fake interview" na inilabas ng blogger na si Professional Heckler noong Biyernes, November 9.

Sa nasabing blog entry, tinanong ni Professional Heckler si "Krissy," isang fake character na layuning gayahin ang TV host-actress na si Kris Aquino, tungkol sa madalas na pagiging galit ni Sharon sa Twitter.

Ang sagot ni "Krissy": "I don't follow her. Ayokong ma-stress aha-ha-ha But I follow KC."

Bilang sagot sa fans, sinabi naman ni Sharon sa kanyang Twitter account, "Yaan na natin. Di ko rin naman sya fina-follow ever. Sasakit ang ulo ko."

Sa kabilang banda, nilinaw naman ni Kris sa kanyang personal Twitter account na hindi totoo ang interview.

"I don't understand y u want to create animosity? It was the parody "krissy" who commented about @sharon_cuneta12," ani Kris.

Kasunod nito ay pribado nang nag-usap sina Kris at Sharon para linawin ang lahat.

Sabi ni Kris sa Twitter, "We had nice text exchange. She'll always have my respect&admiration.And I now follow her"

LESSON LEARNED. Halos ganito rin ang ibinalita ni Sharon sa kanyang Twitter followers:
"Tweeties, I've just received a text message from Kris Aquino. apparently, some people are trying to create something really bad between us,

"and now I know it wasn't really Kris who sent that tweet about her not following me here on Twitter cos daw 'ayaw nya ma-stress.'"

Nabanggit din ni Sharon na may natutunan siya dahil sa insidenteng ito.

Aniya, "This has taught me another important lesson: We should really be careful who we believe here on Twitter.

"There are lots of people pretending to be us artistas, & we should make sure that we know who's talking before we react, especially if what we read hurts us.

"Sorry about that, Kris. And sorry, everyone. Thanks!

Pinuna rin niya sa huli ang pagpo-post ng mga parody tulad ng "fake interview" na lumabas sa blog.

Saad ni Sharon, "I don't know why some people are so sick in the head that they like making up stories to start fights between other people.

"Sad for them. But I pity them more because walang silbi ang mga buhay nila." -- Nerisa Almo, PEP




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus