Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Mark Gil gives advice to daughter Andi Eigenmann: 'Huwag muna ‘yang love'

November 23, 2012 3:34pm


Aminado si Mark Gil na very protective siya pagdating sa kanyang mga anak na babae.

“Mas protective ako, kahit daughter or granddaughter. Yung son, madali lang sa akin. Sa ‘kin pag daughter ang may problema, [sinasabi ko] 'Talk to your mother.'

“Protective ako. It’s a common thing among daddies na protective sila sa mga daughters nila."

Pahayag ng veteran actor sa panayam ng showbiz press sa ginanap presscon sa Cocoon Hotel, Quezon City, noong November 20, para sa GMA primetime series Pahiram ng Sandali.

Sinabi ni Mark na lima na ngayon ang apo niya -- dalawa kay Gabby [Eigenmann], dalawa kay Maxine, at isa kay Andi.

Nabibigyan ba siya ng pagkakataon na alagaan ang kanyang apo na si Ellie?

ON ANDI and JAKE. Inamin kamakailan si Jake Ejercito na medyo “cold" na ang treatment niya kay Andi matapos sabihin ni Jaclyn Jose na “baka ayaw ng parents" ni Jake ang relasyon nito kay Andi.

Ang mga magulang ni Jake ay ang dating Pangulong Joseph Estrada at ang dating aktres na si Laarni Enriquez.

Ipinagtanggol naman ni Andi ang inang si Jaclyn at nag-post siya sa kanyang Twitter account: “So much for going against my own mother and sacrificing our relatnship just to give u what u want.Fyi everything my mom said was true anyway."

Nang tanungin si Mark Gil tungkol dito, sinabi nito: “Every parent wants the best for their children. You invest in them so much. Si Jake nag-aaral sa London and he comes from a prominent family.

“I can’t say anything bad about Jake. He’s a good man…refined, very well-educated."

Ngunit gustong ipaalala ni Mark kay Andi na piliin nito ang priorities sa buhay.

“Kahit ako sasabihin ko sa anak ko, 'Huwag muna ‘yan. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo.'

"I’ll tell Andi, 'Wag na muna 'yang love, love, love na ‘yan.'"

Gusto rin sana ni Mark na mag-focus si Andi sa kanyang anak.

“Ang buong mundo mo ngayon si Ellie at ang career mo. You have to pick up your career and take it from there. Ang mundo mo ngayon dapat si Ellie.

“Wag mong hanapin ang love, darating ‘yan," mensahe pa ni Mark sa anak na babae.

Kasama si Mark sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Pahiram ng Sandali na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Lorna Tolentino, at Max Collins.

Sabi niya tungkol sa kanyang karakter, “I’m a very rich man and arrogant. Kontrabida ako dito. I’m the father of Dingdong but I disown him.

“Anak ko siya kay Sandy Andolong, but I’m married to a powerful woman [Isabel Rivas]. Dine-deny ko si Dingdong, at may isa pa akong anak, which is Neil Ryan Sese."

Bukod sa TV series na ito, kabilang si Mark sa dalawang pelikula.

“Yung isa kong movie, with Richard Gutierrez and Sarah Lahbati.

"It’s produced by Regal Films and directed by Peque Gallaga. It’s titled Seduction and I play a father in this movie.

“The second film is Mana, directed by Gabby Fernandez and produced by College of St. Benilde.

"Kasama ko si Jaime Fabregas, Epy Quizon, Ricky Davao, Tetchie Agbayani, Archie Adamos, and Fides Cuyugan Asensio.

"Lasenggo ang role ko. It’s about a family coming together as the mother is dying." -- Jocelyn Dimaculangan, PEP
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus