GMA News Online
Showbiz

Coffee Prince at Pahiram Ng Sandali, nagtala ng mataas na ratings

November 28, 2012 12:14am



Kapwa naging malakas ang pagtatapos ng GMA-7 romantic-comedy series na Coffee Prince, at ang pagsisimula naman ng pumalit nitong programa na Pahiram Ng Sandali.

Batay sa comparative rating points sa overnight ratings ng AGB Nielsen Phils sa Mega Manila households sa mga programa ng tatlong nangungunang television network sa bansa, lumitaw na nagtala ng mataas na marka Coffee Prince at ang Pahiram Ng Sandali.

Nagwakas noong Biyernes (Nov. 23) ang Coffee Prince na pinagbidahan nina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Benjamin Alves at Max Collins.



Batay sa datos ng AGB, nagtala ang pagwawakas ng Coffee Prince ng 23.3 points.

Samantala, ang pilot episode ng bagong programa na Pahiram Ng Sandali nitong Lunes (Nov. 26), ay nagtala rin ng mataas na 23.7 points.

Ang Pahiram Ng Sandali ay pinangungunahan nina Dingdong Dantes, Max Collins, Lorna Tolentino at Christopher de Leon.

Upang makita ang buong listahan ng GB Nielsen Mega Manila Household Ratings (Nov. 21-26), i-click ang website ng Philippine Entertainment Portal (PEP). -- FRJimenez, GMA News

Ang GMA News Online ang official news website ng GMA Network