GMA News Online
Showbiz

Judy Ann-Jolina movie finally pushes through

January 29, 2007 12:15pm
Top female young stars Judy Ann Santos (left) and Jolina Magdangal will star in a horror flick to be produced by GMA Films and Viva Films.

Noon pa ibinalita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na magsasama sa pelikula ng GMA Films ang top female young stars na sina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal.

Pati ang January 23 story conference ay ipinarating din sa PEP, kaya lang ay may pakiusap ang mga taga-GMA Films na ‘wag munang isulat at baka maudlot o may humarang.

Finally, binigyan na ng go signal ang PEP na isulat ang monumental event na pagsasama sa pelikula ng two female icons ng Philippine movies.

Horror ang pelikulang co-produced ng GMA Films at Viva Films, entitled Ouija Board, to be directed by Topel Lee, na director din ng "Yaya" episode ng Shake, Rattle & Roll 8. Sa third week ng February naka-schedule ang first shooting day at may mga eksenang kukunan sa Camiguin Island sa Mindanao.

Kasama rin sa cast sina Iza Calzado ng GMA Artist Center at sina Mark Bautista at Desiree del Valle ng Viva Entertainment. Bago magsimula ang shooting, madadagdagan pa ang cast ng pelikula.

Hindi ito ang unang pagkakataon na magkakasama sa isang pelikula sina Juday at Jolens. Matatandaang una silang nagkasama sa Gimik: The Movie noong 1996 at sa Gimik: The Reunion noong 1999, bagama't guest lang si Juday sa huli.

Ang nasabing mga pelikula—both produced by Star Cinema—ay halaw sa youth-oriented TV show of the same title na pinagsamahan nina Juday at Jolens sa ABS-CBN, along with the late Rico Yan, Marvin Agustin, G Tongi, Diether Ocampo, among others.

Samantala, magiging busy si Judy Ann sa shooting ng Ouija Board kaya baka hindi sila makadalo ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo sa U.S. premiere ng Kasal, Kasali, Kasalo, na naka-schedule from March 1 to 12.

Baka at that time, nagsu-shooting na rin si Ryan ng Dolphy-Vic Sotto movie, kung saan in-assure ni Direk Tony Reyes na kasama sa cast ang actor-TV host.

Malaki ang inaasahan sa Ouija Board, di lamang dahil pagtatambalan ito ng dalawang sure-fire box-office stars, kundi dahil sa hahawakan ito ng rising director na si Topel Lee.

Ang lahat ng nakapanood ng Shake, Rattle and Roll 8 ay nagsasabing angat na angat ang "Yaya" ni Topel sa mga kasabayan nitong episodes.

Kahit ang mga katrabaho ni Topel sa digital-films community ay hanga sa kanya. Siya raw ay director to watch for. - Philippine Entertainment Portal