ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mommy Dionisia: 'Hindi hayop ang anak ko, tao siya'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ramdam na ramdam ang galit ni Mommy Dionisia matapos mapanood ang kanyang anak na si Manny Pacquiao na pinataob sa ring ni Juan Manuel Marquez. Kwento pa ni Mommy Dionisia sa panayam ni Mark Salazar, ayaw na raw niyang lumaban pa muli si Manny sa boxing at hindi raw siya natatakot na pigilan ang kahit sinong magpupumilit na ilalaban pa ang kanyang anak. Wika pa ni Mommy Dionisia, "Sabihin ko kay Bob Arum, 'stop na.' Hindi hayop ang anak ko, tao siya." Ayon pa kay Mommy D, dapat ipagpatuloy na lang daw ni Manny ang kanyang karera sa pulitika. "Ang trabaho niya focus nalang sa pulitika. Iwanan na lang niya ang pag boxing." Gayunpaman, tanggap na rin ni Mommy D ang pagkatalo ng kanyang anak at ang hiling na lamang niya ay ang makauwi ito na ligtas at maayos. — Mac Macapendeg /LBG, GMA News