ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babae, ilang ulit nasagasaan, patay; 2 iba pa, patay sa aksidente sa Iloilo City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang babae sa Pavia, Iloilo na nasawi matapos na masagasaan ng apat na sasakyan na pawang hindi tumigil. Samantala, dalawang sakay naman ng isang trak ang nasawi rin sa hiwalay na aksidente sa Iloilo City. Sa ulat ni Charlene Belvis ng GMA-Iloilo sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Lunes, ikinuwento umano ng isang saksi na isang pick-up truck ang unang nakasagasa sa babaeng biktima sa bayan ng Pavia. Tatlong sasakyan pa umano ang nakahagip sa biktima pero kahit isa sa mga ito ay walang tumigil. Hindi rin umano nakuha ang plaka ng mga sasakyan na nakasagasa sa biktima. Samantala, patay naman ang dalawang sakay ng isang trak nang bumangga sa poste at tumagilid sa diversion road sa Mandurriao district, Iloilo City. Ayon kay Fernando Baylen, driver ng trak, iniwasan niya ang dalawang taxi na nag-uunahan kaya niya nabangga ang poste. Pito pang sakay ng trak ang nasugatan dahil sa nasabing aksidente. -- FRJ, GMA News