Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Kilos ni Ms. Gloria Romero, pinag-aralan ni Heart Evangelista para sa Forever

January 10, 2013 4:24pm



Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart Evangelista sa presscon ng Forever noong Martes ng gabi, January 8, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ayon kay Heart, sa mga pelikulang The Notebook, Somewhere In Time, at Chances Are maaaring mai-relate ang kuwento ng pinagbibidahang afternoon soap.

Aniya, “Mahilig ako sa mga past life, mga ganyan, so I really liked the concept.

“So hindi ko na kailangang manood pa ng mga ibang movies."

Gaganap si Heart bilang batang Gloria Romero sa Forever kaya pinag-aralan daw niya ang mga galaw ng beteranang aktres.

“Pinag-aralan ko yung movements niya, na pinag-aaralan ko pa rin siya ngayon kasi nagpa-flashback...

“So minsan, hindi ko siya nakikita, titingnan ko muna, tapos gagayahin ko.

“So nangangapa pa ako sa part na yun, kasi siyempre yung sa akin, bata pa ako.

“Tapos, noong naging siya na, ang daming nangyari sa buhay niya, so nagbago na yung personality and everything.

“Mas naging wise, pati yung movements... so medyo pinag-aralan pero kailangan mas bata version.

“Medyo nahirapan ako ng konti doon."

Ano ang naramdaman ni Heart nang sabihin ni Ms. Gloria na "perfect" siya sa role and “she’s very beautiful"?

“Oo nga, e! Nakakatuwa naman, overwhelming, of course.

“Hello! Its really nice of her to say that.

“Actually, it’s really nice that I have this soap with her.

"Kahit, di ba, parang bongga naman na panghapon na soap ito?"

PERIOD MOVIE. Hindi siya nahirapan playing a girl from the '50s and a girl sa modernong panahon?

“Nahirapan ako ng konti noong sa '50s kasi parang super-tame ka.

“Hindi ka naman din puwede na pag sinasabunutan ka, sinasampal ka, palaban ka.

“Kailangan, pag sinampal ka, iyak-iyak ka lang or something, so medyo nahirapan ako ng konti.

“Especially kasi, grabe yung first week, ang dami kong iniyak.

“Yung isang eksena ko doon, magang-maga ang mata ko. So nahirapan ako doon.

"But you know, it’s different, di ba?

“Especially because it’s panghapon, it’s a challenge to make it really nice.

“It’s my second time sa hapon, pero matagal na rin, e... yung Langit Sa Piling Mo. Pero that’s ano, e, not really panghapon but before 24 Oras."

First time ni Heart na gumanap ng 1950s na karakter.

“Pati dialogue, ingat... hindi puwede yung mga modern na words."

SUPPORTIVE PARTNER. Ang kapareha ni Heart dito sa Forever ay si Geoff Eigenmann. Kumusta katrabaho si Geoff?

“Okay, very good! Kasi nga sanay na rin ako sa kanya kasi nakapag-work kami sa Legacy," sabi ni Heart.

Hindi sila ang magkapareha doon.

“Hindi. Nagkaroon lang ng moment, tapos naging sila na ni Lovi [Poe].

“So, okay lang, kasi noong mga times na we were shooting Legacy, barkada-barkada.

“So kahit laru-laro lang, na-practice na namin na pag hindi memorized ang lines, nagsasaluhan kami.

“So dito sa Forever... like kahapon, nagka-migraine ako.

“Hindi ako masyadong maka-concentrate. Nagsasaluhan kami so I’m very relaxed with him."

Walang awkwardness?

“Nothing," sagot niya.

Sa mga kissing scenes?

“Ako, nao-awkward ako... ayoko nga!" sabay-tawa ni Heart.

Paano niya ino-overcome ito?

“Wala akong magagawa. Kailangan kong gawin, e, kaya gagawin ko."

Umaalalay naman daw si Geoff sa intimate scenes nila.

“Alam naman niya na ayoko ng mga ano.

“Okay lang yung  mga ganyan, you know... in private!" at muling tumawa ang aktres.

NO ISSUE. Okay lang sa kanya na afternoon soap ang Forever kahit na pang-primetime ang magnitude nito?

Sagot ni Heart, “Actually, that’s what made up for it.

"But you know, I’m so over that yung mga isyu-isyu na afternoon.

“At the end of the day, we all have bills to pay, I wanna work, I don’t care who’s on top, I don’t care.

“GMA gives me jobs, I’m so happy, so hindi ako masyadong choosy.

“Ang dami nang mga artista diyan para mabigyan pa ako ng lead, di ba? I’m still so very thankful.

“Tsaka, and of course, later on, na bonus na rin na, ‘Uy, in fairness, ha? Mas madaming nanonood ng afternoon.

“'And you reach different crowds, kasi yung crowd, walang tulog na sa gabi. So, it’s good for you, too!’

"And I’m like, ‘Oo nga ‘no?’

“So iyon. But really, come to think of it, I’m okay lang, I mean you know…

“And Miss Gloria Romero pa! Hello! So talagang na-balance siya, kaya happy ako." -- Rommel Gonzales, PEP
Go to comments




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus