GMA News Online
Public Affairs
»
Kapuso Mo, Jessica Soho

Kapuso Mo, Jessica Soho

Patok na negosyo para sa mga Pilipino sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

January 10, 2013 4:28pm
Kapuso Mo, Jessica Soho
Pangkabuhayan for EveryJUAN
January 13, 2013
 
Franchise for EveryJUAN


 
Sa panahon ngayon, para umasenso, dapat matuto na raw tayong magnegosyo! Kaya kung may naipong pera, bakit hindi subukang mag-franchise kung saan ikaw pa ang boss. Alamin ang mga patok na franchise ngayon na siguradong swak sa budget.
 
Bet na Bet na Bagnet


 
Sa Narvacan, Ilocos Sur matatagpuan ang pinakamalutong at pinakamasarap na bersyon ng mga Ilokano ng chicharong baboy --- ang bagnet. At bilang pagkilala sa ipinagmamalaki nilang produkto, kamakailan lang ipinagdiwang ang kanilang taunang Bagnet Festival.
 
Click na Click


 
Hit na hit ngayon online ang video parody na Hari ng Lumpo Part II: Vanilla Kingpin, Tasiong Love story na nilapatan pa ng jingle to the tune of Pusong Bato. Patok na patok rin ang Tales from the Friendzone ni Ramon Bautista, kung saan ang mga nabasted, pwede ng makakuha ng karamay online!

Asin Invasion
 

 
Sa bayan ng Alburquerque, Bohol binubuhay ang makalumang paraan ng paggawa ng asin na ang pagpoproseso aabutin daw ng tatlong buwan. Sa United Kingdom naman, ang asin hindi lang pampalasa sa pagkain? Sa pamamagitan daw ng kanilang Salt Cave, gagaling diumano ang mga may sakit na ubo at sipon.
 
Larawan ng Kasaysayan


 
Litrato ang isa sa maituturing na buhay na saksi ng ating kasaysayan. Pero nasaan na nga ba ang ilang mga mahahalagang litrato ng ating nakaraan? Buhayin at sariwain natin ang mga alaalang kalakip ng mga larawang ang importansya, di kayang lumain ng panahon.

Ang mga kwentong ito ang tampok ngayong Linggo sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," 7:45 PM sa GMA-7!



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus