Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Isabel Oli goes fasting to have a boyfriend; starstruck by Forever co-star Ms. Gloria Romero

January 10, 2013 5:08pm


Kumpara sa mga nagdaang taon, maituturing ni Isabel Oli na maganda ang pasok ng kanyang 2013.

Maganda ang aura at masaya si Isabel nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng bagong afternoon series ng GMA-7, ang Forever, noong Martes ng gabi, January 8.

Bulalas niya, “Ay, bongga! Sobrang daming ano… every day ang trabaho ko!

“Eto pa, nadagdagan pa ng Forever, so sobrang ganda ng 2013 ko.

"I’m sure, maganda ang 2013 ko—kine-claim na.

“Yung T-Th-S ko is for GMA News TV. M-W-F ko, Forever. Tapos yung Saturday ko pa, VO [voice over] sa mga shows ng GMA News TV. And then Sunday ko, Party P [Party Pilipinas]," pag-e-enumerate pa niya.

ROLLER-COASTER. Kumpara sa kanyang 2012, masasabi ba ni Isabel na mas okay ngayon?
         
Sabi ng Kapuso actress, “Well, okay naman ang 2012 ko, pero maraming ups and down sa 2012 ko, parang roller-coaster, e.

“Alam mo, noong maganda ang career, namatay naman si Daddy. Bagsak naman.

“Yun ang time na nagkasakit talaga siya at kasagsagan talaga.

“Sobrang tuwa at sobrang sakit din ang nangyari.

“But at the end of the year, nagpapasalamat din ako kahit paano."

HOLIDAY BLUES. Pumanaw ang ama ni Isabel na si Jorge Tan So noong June 20, 2012, pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban sa sakit na cerebral degeneration.

Paano ipinagdiwang ng aktres ang unang Pasko at Bagong Taon nila na wala ang ama?

“Oh, my gosh, para siyang pang-Magpakailanman!" bulalas niya.

Ang Magpakailanman ay ang kababalik na award-winning drama anthology ng GMA-7 na hinu-host ng broadcast journalist na si Mel Tiangco.

“Alam mo yung ganoon? Siyempre, first Christmas, first New Year na wala si Daddy. So, lahat ng first.

"Medyo emotional lahat kami.

“We went to Subic pa. Kasi, hinagis namin ang ash niya sa dagat, kasi yun ang gusto niya.

“So, yun, pumunta kami kung saan namin hinagis... may isang part doon.

“Wala kaming itinira, yun ang gusto niya.

"Tapos ganoon din si Mommy ko, gusto niya, dapat daw silang dalawa ganoon.

“So, medyo nakakaiyak.

"Pero noong midnight, noong Christmas Eve, nag-share kami. Tumatawa naman kami pero nag-iyakan."

May panahon din nahirapan si Isabel sa kanyang career at madalang ang projects niya. Kaya malaki ang pasasalamat niya na ngayon ay positibo ang pasok sa kanya ng bagong taon.

“Eto pa lang, January pa lang, ang sabi nga ng manager ko, ‘Ang pahinga mo lang is January 4 and January 12. The rest, puro ka na ano.’

"So, parang nakakatuwa—ang sarap-sarap."

GMAAC ISSUE. Si Isabel ay co-managed ni Becky Aguila at ng Viva. Pero bago ito ay dati siyang talent ng GMA Artist Center (GMAAC).

Dahil may isyu ngayon sa Kapuso talent na si Sarah Lahabti, naitanong ng PEP kay Isabel kung nakaka-relate ba siya rito.

Nagkaroon din kasi ng isyu noon si Isabel sa GMAAC.

“In a way, parang ganoon yung nangyari sa akin before... I don’t know," nakangiting sabi ng aktres.

“Maybe noong time na yun, wala akong… ako lang yun, e, saka Artist Center. Walang nag-a-advise sa akin.

“Kaya siguro napi-feel ko rin yung napi-feel ni Sarah."

ZERO LOVELIFE. Kung maganda ang takbo ng career ni Isabel ngayon dahil marami siyang proyekto, sa aspeto naman daw ng lovelife niya ay “zero" talaga.

“Alam mo, magpapaturo talaga ako sa iyo kung paano sagutin!" natatawa niyang biro.

“Kasi, walang naniniwala sa akin kapag sinasabi kong walang lovelife—one year and two months na.

“Ang mommy ko nga, tuwang-tuwa. Sabi niya, ‘See? Kung walang lovelife, walang sakit ng ulo!’

“I understand din naman. So, parang ganoon si Mommy.

“Minsan din naman, nakikita ko ang mga friends ko na umiiyak, 'My boyfriend is ganyan-ganyan.’

"Hay! Buti na lang, wala akong ganyang problema.

“Parang ako na lang muna. Pero sometimes, hindi maiwasang malungkot."

May mga nanliligaw ba kay Isabel?

“Wala rin talaga!" natatawa niyang sabi.

“Ni text nga, wala rin, e. Sabi ko talaga, ‘Bakit, naputulan ba ako?’ 

“Ang palagi kong ka-text, si Tita Becky, yung schedule."

Dugtong niya, “You know what? Buti na lang wala… sa ngayon.

“But I’m not saying na sana wala na talaga.

“Gusto ko talaga. Kaso lang, paano ko siya mai-insert sa schedule ko?

“Na parang every day, alam mo yung show... after show ko lang.

“At saka, hindi talaga right time for me."

FASTING. Hindi naman itinanggi ni Isabel na ngayong 2013, isa sa wish niya ang magkaroon na ng bagong karelasyon.

Dahil isang Born-Again Christian si Isabel na kabilang sa kongregasyon ng Victory Fellowship, hindi ito nahiyang ikuwento na kasama sa prayer request niya sa isang linggong pagpa-fasting na magkaroon na siya ng boyfriend ngayong taon.

“Isa rin yun sa prayer request ko!" natatawa niyang sabi.

“Ay, sorry, kami nina Jennica [Garcia], Rachelle Ann Go, nagti-text kami, 'Isasama kita sa prayer request ko. Ano ang gusto mo, sis?’

“Ay, kasali talaga! Natatawa sila.

“It doesn’t mean naman na this year, baka next year o sa darating."

Once-a-meal only fasting daw ang kinomit niya sa one-week fasting niya ngayon.

JAMES YAP. Naalala namin tuloy na kumustahin kay Isabel si James Yap na na-link din sa kanya nang matagal.

“Ha? Sino yun? Kaibigan ko ba yun?" ang nakangiti naman niyang tanong.

Hindi na sila friends?

“Hindi, friends kami. Pero, hindi na talaga kami nagkikita!" natatawang sabi naman niya.

“Last na nagkita kami, birthday niya pa last year. Magwa-one year na rin, sa February.

“So, yun. Wala talaga… walang nanliligaw.

“Marami akong friends na boys, pero hanggang doon lang."

KONTRABIDA. Sa Forever, isang kontrabida ang karakter na ginagampanan ni Isabel bilang masamang apo ni Gloria Romero.

Sabi niya, “Akala ko kasi, pa-cute lang na kontrabida. Noong nabasa ko, mean pala talaga!

“First eksena namin ni Ms. Gloria Romero, my God! Sobra talagang... tinatawag ko siyang ‘tanda.’

“Alam mo yun? Sobrang ine-erase ko talaga na hindi siya si Gloria Romero.

“Kasi, nai-starstruck ako sa kanya."

Itong role niya sa Forever na raw ang pinaka-“mean" niyang karakter na ginampanan.

“Ito talaga!" diin niya.

“First week pa nga lang, sobrang bastos na.

"E, wala pang week three, so ina-assume ko talaga na gagrabe siya."

May mga preparasyon ba siya?   

“Peg ko si Chynna [Ortaleza]! Bakit ba? Magalit na siya!" natatawa niyang sabi tungkol sa kaibigang aktres.

Pero dugtong din ni Isabel, “Sa role lang, ha? Pero in real life, hindi. Kasi si Twiny, mabait yun."

Kung minsan daw ay nadadala rin niya kahit off-cam ang karakter niya lalo na kapag nag-i-internalize na siya.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kay Ms. Gloria?

“Sabi niya, ‘Grabe, maldita mo talaga!’

“Naisip ko nga, puwede ko bang i-tweet yun?

“Kasi, coming from Ms. Gloria Romero na nagsabi ng ganoon, ibig sabihin, ramdam niya," natutuwang kuwento ni Isabel. -- Rose Garcia, PEP



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus