Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Saab Magalona, na-challenge sa kanyang unang 'mabait' role sa GMA-7 series na, Forever

January 12, 2013 5:50pm


Mula nang pumirma siya ng five-year contract sa Kapuso Network noong 2010, puro kontrabida roles na ang ibinibigay kay Saab Magalona.

Kontrabida siya sa Kamandag, My Beloved, Koreana, Captain Barbell, at Hindi Ka Na Mag-iisa.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Forever noong Martes, Enero 8, na mabait na karakter naman ang gagampanan niya sa nasabing serye.

“Medyo sobrang ibang-iba siya," kumpirma ni Saab.

“Kasi I really… when I first started GMA, I asked for a kontrabida role para maiba ako sa sister ko, para hindi naman kaagad na just like her.

“Parang she’s like apihin. Ako, gusto ko maging stronger one na masama."

Si Saab ay nakababatang kapatid ni Maxene Magalona at ate naman ni Elmo Magalona.

Patuloy pa ni Saab, “So ngayon, binigyan ako ng chance to showcase my versatility.

“So, I find it very challenging also and rewarding.

“Kasi after kong magawa yung mga scenes ko, sinasabi noong director namin [Ricky Davao] na ang galing ko… so I’ll take it na parang grabe yung rewards."

SERIOUS ACTRESS. Saan ba siya mas kumportable na role—sa kontrabida o underdog?

“I like playing kontrabida role. Sobra! Masaya siya.

“Siyempre, umaarte ka. Laging nasa mansion… ganyan.

“Pero I think as an actress, parang mas nagseseryoso ka at mas na-apreciate ko yung craft ko bilang artista with these roles."

Saan siya mas nakaka-relate sa tunay na buhay—sa kontrabida o mabait na character?

“In real life… I think a little bit of both. Never naman akong nang-bully, pero hindi talaga ako magpapaapi.

“Kasi, I stand my ground and hindi puwede sa akin yung lalait-laitin ako.

“Kasi, di ba, may kasabihan na, no one will hurt you unless you let them?

“So, ako, kung may sasabihin sa aking masama, okay lang. Pero hindi ako papaapi.

“So, a little bit of both—strong personality but also not naman na push over."

STRONG PERSONALITIES. Pareho ba sila ni Maxene na palaban?

“Yes. That’s one thing na ipinapatuloy namin yung legacy ng dad ko na you can’t be apathetic…

“And kailangan mong maging active sa mundo natin na wala kang ginagawa.

“You really have to stand up and fight for what you believe in."

Nagkaroon na ba siya ng karanasan na nakipag-away or nakipagtarayan sa totoong buhay?

“Naku, siguro grade school pa… nasampal ako noong grade school!" natatawa niyang rebelasyon.

Umpisa niyang kuwento, “Best friend ko siya noon, noong grade school kami.

“Nasampal niya ako pero hindi yung biglaan.

“She asked for my permission dahil galit na galit daw siya sa akin dahil yung crush niya, sa tingin niya, may crush sa akin.

“Pero wala talaga, wala talaga! Grade school lang kami, ‘no? Grade Five, I think."

Patuloy niya, “Medyo mabait ako noon, e. Sabi ko, ‘Whatever makes you happy, gawin mo na lahat. Ayoko lang masira yung friendship natin.’

“Sabi niya, ‘Puwede ba kitang sampalin?’

“Sabi ko, ‘Oo, sige.’ So, sinampal niya ako.

"And then I asked… kasi ang sakit ng sampal niya, e. So, sabi ko, ‘Okey ba if I also slap you?’

“Sabi niya, ‘O, sige.’ After noon, nag-hug kami.

“It was a very stupid, very grade school thing.

“Pero hindi na kami super close 'coz she already moved to the States.

“We’re Facebook friends pero we have our own separate lives. Pero that instance, I will never forget in my life."

SCHOOL BULLIES. Saang punto siya naging mataray at naging matapang?

“Kasi noong grade school ako at high school ako, binu-bully talaga ako.

“Noong college ako, mas naging parang… because I’ve grown up, I’ve matured, so parang ang dami ko nang nababasa.

“So, I’m confident in what I know. When I know I’m right, I will fight for it.

“Sabi nga nila, puwede raw akong maging lawyer and tell people na, ‘No, you’re wrong.’

“Pero hindi naman ako nakikipag-away."

Paano siya binu-bully noon?

“Yung mga pailalim na… actually, there’s this one girl na anak siya ng teacher.

“Talagang hinaharangan niya ako sa daan, hindi siya gagalaw.

“At saka yung friend niya… Grade Five lang ako noon… mga high schoolers sila. Hindi nila ako papadaanin.

"Tapos, noong high school ako, tinatawag akong makapal yung kilay.

“Tinawag akong mataba… hindi talaga ako nakikipag-away.

“Kasi parang… dyusko, ‘no, napaka-immature nila. So, ako… okay lang yun.

“And then, that’s when started my blog… meron kasi akong blog.

“Kasi wala talaga akong friends, inaaway ako ng mga tao… medyo introvert pa kasi ako noon." -- Rey Pumaloy, PEP
Go to comments