GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Isabel Oli, nanginginig kapag inaapi si Ms. Gloria Romero sa Forever

January 15, 2013 6:14pm
Puspusan ang paghahanda ng Kapuso actress na si Isabel Oli para sa kanyang kontrabida role sa inaabangang afternoon soap sa GMA-7 na "Forever."

Sa ulat ni Luane Dy sa Balitanghali nitong Lunes, ikinuwento ni Isabel na nag-workshop siya sa kanyang role sa soap na pagbibidahan nina Heart Evangelista, Geoff Eigenmann at Ms. Gloria Romero.

"Nag-workshop ako for the role, ganyan. Siyempre challenging siya in a way na ka-eksena ko lagi si Ms. Gloria Romero so nanginginig ako na inaapi-api ko siya," ayon kay Isabel.



Ikinukonsidera umano ng aktres na matinding hamon ang kanyang papel bilang kontrabida sa nasabing serye lalo pa't mga primyadong artista ang mga katrabaho niya rito.

Ang Forever na igigiya ng actor-director na si Ricky Davao ay mapapanood sa Dramara sa Hapon Block ngayong Enero sa GMA-7. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News