GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Pilot episode ng Indio, mainit na tinanggap ng mga manonood

January 16, 2013 3:40pm

Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa pilot episode ng pinakabagong epic-fantaserye ng GMA-7 na Indio nitong Lunes, Enero 14. Batay ito sa mataas na rating na nakuha ng programa sa Nielsen TV Audience Measurement.

Sa overnight ratings sa Mega Manila, kumamada ang nasabing primetime soap na pinagbibidahan ni Senador Bong Revilla Jr., ng 29.3% sa household ratings. Mas mataas ito kumpara sa kasabay na programa ng ABS-CBN na Princess & I na nakakuha ng 23.1%.



Maging sa social media ay naging maganda ang pagtanggap ng publiko sa nasabing palabas.

Gamit ang hashtag na #IndioGMA, naging trending topic ang palabas sa Twitter, isang social at microblogging site, nang ipalabas ang pilot episode noong Lunes.

Mapapanood ang Indio tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad. - MMacapendeg/FRJ, GMA News
Go to comments




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus