GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Dream KPop Fantasy concert, dinagsa ng mga tagahanga

January 20, 2013 2:09pm
Libu-libong fans ang pinasaya ng anim sa mga kilalang Korean Pop (KPop) group sa idinaos na Dream KPop Fantasy concert noong Sabado, Enero 19, sa SM Mall Of Asia Grounds.

Ayon sa ulat ni Mav Gonzales sa Balitanghali nitong Linggo, hindi napigilan ng mga manonood ang maghiyawan at makisabay sa pag-awit ng mga inidolong banda. Nagpasiklab ang grupong Girls Generation (SNSD), Exo-M, Exo-K, Infinite, U-Kiss, Tahiti, at Tasty.



Gayundin, ang mga hindi pinalad na makabili ng tickets, kanya-kanyang pumwesto sa labas ng concert ground at may ilan pang nagdala ng kanilang mga upuan at may dalawang lalaki pang umakyat ng puno para lang masilip ang kanilang paboritong KPop stars.

Maliban dito, mayroon ding mga nagdala ng poster para sa kanilang mga idolo.

Wika pa ng batang fan na dumalo para kay Kevin ng U-Kiss, "Kasi po ang gwapo-gwapo niya, para siyang angel. Ang bait bait po niya, ang humble pa po, tapos ang talented po."

Sabi pa ng isang fan, bagama't matagal silang naghintay hanggang sa magsimula ang palabas, sobrang saya raw niya na tila hindi niya ma-ipaliwanag ang kanyang nararamdaman habang nanonood. Mac Macapendeg/BM, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus