We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mainit tinanggap ng mga Cebuano ang cast ng Temptation of Wife nang magpunta sila sa Queen City of the South para sa Sinulog Festival. Kuwento ni Rafael Rosell, âSobra-sobra! Pero lagi namang warm ang reception ng mga tao sa Cebu, e. âPero this time talaga, because of a show... exceptional!" Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, January 23, sa taping ng Temptation of Wife sa Greenmeadows, Quezon City. BY CHARACTER. Gumaganap si Rafael sa Temptation of Wife bilang si Nigel Armada. Ibang pangalan na ba ang tawag sa kanya kapag lumalabas siya? âNigel at Rafael pa rin!" ang natatawang sagot ni Rafael. Mas marami na yata siyang eksena kaysa kay Dennis Trillo, na gumaganap namang Marcel Salcedo? âHindi ko binibilang, e," sabi ni Rafael. Ano ang pakiramdam na bidang-bida rin siya at iniikutan din ng buhay ni Angeline/Chantal, na ginagampanan ni Marian Rivera? Sagot niya, âI think pareho naman kami ni Dennis na leading man, e. âLahat kami, part ng ensemble ng cast na lead sa soap. âIâm not gonna take any credit sa sarili ko. âI think itâs a unity, itâs a unit, buong cast and crew ang nagdadala ng showâeffort ng lahat." COMPARISON. Nakukumpara ngayon si Rafael kay Dennis, lalo na at iisa ang manager nilaâsi Popoy Caritativo. Sabi niya tungkol dito, âYeah, yeah of course, itâs showbiz, di ba? âAng aral kasi ni Popoy sa amin... na only compare yourself to yourself, e. âDahil lahat naman may ibaât ibang traits, so donât compete. âJust do what you gotta do and enjoy, at least wala kang naaapakan na iba at hindi ka rin naapakan." Hindi ba siya nako-conscious sa comparison? âMay tendency na maging conscious, pero kung alam mo naman kung ano ang gusto mo sa buhay, hindi ka na bibigay doon, di ba?" Nagbibigay ba sa kanya si Dennis ng tips or advice? âSiguro sa ano lang, tungkol kay Popoy lang... kung anoâng mga hilig niya, keep in touch with your manager, mga ganoon. âPero yung advice or payo sa akting, wala masyado." Hindi raw niya nararamdamang insecure o threatened si Dennis sa kanya⦠âI donât think so, secure na secure naman si Dennis, e. âDennis is Dennis Trillo, di ba? Si Dennis Trillo âyan, e." GOOD FRIENDS. Noon pa raw sila magkaibigan. âYeah, friends kami dati pa! Early 2000 pa lang, noong nasa ABS kami pareho." âNag-click na kami noon, nagdyi-gym kami together," sabi ni Rafael. Ngayon ay madalas din silang mag-hang out. âYeah! After noong Cebu namin, nag-hang out kami. Dapat kagabi kaya lang sobrang late na." Binirong tanungin si Rafael kung parte ba ng hanging out nila ni Dennis ang mambabae? âHindi, hindi... sa bahay lang... PlayStation." Magkalaban sila sa naturang laro. âMay ibang barkada rin doon, teams-teams." Pero hindi pa raw sila ganoon ka-close para maglabas si Dennis ng mga malalim na saloobin tulad ng lovelife at pakikipag-break nito kay Bianca King. âAh, hindi pa kami ganoong nagse-share ng ganoong ka-personal na bagay. âPero binanggit naman niya sa akin na may pinagdadaanan siya. âPero as a guy to another guy, hindi ko na pini-fish kung anong⦠âParang sinabi lang niya sa akin na may pinagdadaanan siya and as another guy, aantayin ko na lang na magbuhos siya imbes na hilahin ko." LUCKY GUY. May kopya si Rafael ng FHM kunsaan cover si Marian Rivera. âOo naman, binigyan niya ako ng signed copy, pinost ko sa Instagram. âTapos, isinulat ko na ako yung pinakasuwerte na lalaki. âTapos, I think maybe may na-misinterpret iyon tapos nagalit. âHindi ko alam... siguro DongYan fans," pagtukoy niya sa fans ng loveteam nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. "Pero ang ibig ko lang naman talaga sabihin na suwerte ako dahil pinirmahan niya yung [kopya]. âSabi, âAkala mo ang suwerte-suwerte mo,â ganyan-ganyan. âSabi ko, âNasa paningin lang naman po yun ng mga tao âyan, na parang sinulat ko.â ââHugs, mwah! I wish you the best day.â âYou canât fight fire with fire nowadays. âHindi na kailangang patulan yung mga ganoong bagay, di ba? âI mean, sa paningin ko lang, ha? Sa buhay natin, gusto nating mag-advance, di ba? âSa mga materyal na bagayâadvancement in finance, advancement sa mga materyal na bagay, bahay, kotse... âPero naisip ba natin ang advancement sa sarili nating mind? âEvolvement, di ba? Hindi ba tayo mag-e-evolve sa utak natin? âSo pag nag-evolve na tayo, hindi na tayo mag-aaway, di ba? Iyon naman yung goal." Flattered siya in a way kapag pinagseselosan siyang ganoon? âWell, it is pretty flattering. "Tapos, kaya ko sinasabi na suwerte dahil iyon ang flattery na nararamdaman ko... âKaya ko in-express na suwerte koâiyon ang pagka-flatter ko." Hindi pa raw sila nagba-bonding ni Dingdong, na boyfriend ni Marian. âPero nag-usap na kami sa set, dati sa Party Pilipinas, âHi-hello, kumusta?â Ganoon, friendly naman. âHindi naman ako lumipat dito [sa GMA-7] para mang-away, e, di ba?" nakangiting sabi ni Rafael. -- Rommel Gonzales, PEP