GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Mag-amang Vic at Oyo Boy Sotto, magsasama sa bagong sitcom ng GMA-7

January 29, 2013 11:57pm

Tags: Vic Sotto
Magsasama ang mag-amang Vic at Oyo Boy Sotto sa bagong sitcom sa GMA-7 na Vampire Ang Daddy Ko. Pero sa halip na si Vic, si Oyo Boy ang gaganap na tatay sa nasabing proyekto.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ni Vic na excited siya sa naturang sitcom na magsisilbing comeback project niya sa Kapuso Network matapos ang sitcom na Daddy Di Do Du.



Magiging kakaiba ang tambalan ng mag-amang Vic at Oyo Boy dahil si Oyo Boy ang gaganap na hindi tumatandang daddy ni Vic sa sitcom.

Isang bampira ang magiging karakter ni Oyo Boy sa sitcom.

Makakasama ng mag-amang Vic at Oyo sina Pilita Corrales, Bea Binene, Jimmy Santos, Anjo Yllana, Glaiza de Castro at ang child star na si Ryzza Mae Dizon. - FRJimenez, GMA News

Tags: Vic Sotto



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus