ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

World-class na larawang kuha ng Pinoy, tampok sa 'Motorcycle Diaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Motorcycle Diaries
February 08, 2013
 
Kung ang motorsiklo ang nagdadala sa atin sa iba’t-ibang lugar sa bawat ekspedisyon, ang camera naman ang nagpapanatili ng mga alaala sa bawat biyahe sa pamamagitan ng larawan.
 
Ngayong Biyernes sa isang natatanging paglalakbay, papasukin natin ang mundo at sining ng potograpiya.  Tutuklasin natin ang kuwento sa likod ng pagkuha ng mga litrato at kikilalanin ang mga kababayan natin na biniyayaan ng pambihirang talento sa sining na ito.
Sa Sta. Ana Manila, nakilala ni Jay si Randy, professional photographer na bihasa sa motion photography o pagkuha ng litrato sa mga gumagalaw na bagay o subject.  Ang kanyang paboritong kuhaan ng larawan, mabibilis na sasakyan.  Sa larangang mata ang puhunan, nakamamanghang ginagawa niya ito sa kabila ng kapansanan. Bulag si Randy. Ipinanganak siyang may congenital cataract kaya tanging ang kaliwang mata na lamang niya ang nakakasipat ng liwanag. 
Ang bente kwatro anyos naman na si Ryan, may Down Syndrome.  Pero sa kabila nito mahusay niyang nakukuhaan ng larawan ang mga bagay sa lugar na kanyang pinapasyalan.  Isa siya sa mga estudyante ng kilalang photographer na si John Chua, founder ng PWD o Photography With a Difference.  Naniniwala si John sa kapangyarihan ng potograpiya sa pagpapalaya ng imahinasyon ng mga estudyante niyang may espesyal na pangangailangan.
 
Sa isang pambihirang pagkakataon, makakasama naman ni Jay sa isang photo shoot challenge ang kapwa mamahayag na si Mike Alquinto na isang photojournalist. 
Nakilala rin ni Jay ang kapwa rider at travel and nature photographer na si Kara Santos. Iba't ibang magagandang tanawin na ang nakuhanan ng larawan ni Kara, at karaniwang sakay siya ng motorsiklo para makarating sa lugar.  Kilalanin rin ang premyadong nature photographer na si George Tapan.  Noong 2011 sa isang International photo contest, mahigit dalawampung libong larawan ang kanyang nahigitan ng kilalanin ng National Geographic ang kanyang litratong nakunan sa isla ng Palawan.
Angkas na ngayong Biyernes sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11!
Tags: plug