GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Ryzza Mae Dizon, sumabak agad sa pagpapatawa sa taping ng 'Vampire ang Daddy Ko'

February 14, 2013 12:32pm

Sumabak agad sa pagpapatawa ang child wonder at kasalukuyang Little Miss Philippines na si Ryzza Mae Dizon sa kanyang unang taping day para sa bagong sitcom ng GMA Network na "Vampire ang Daddy Ko."

Kwento ni Ryzza sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute portion ng “24 Oras” nitong Miyerkules, "Ako po si Big at ang tatay ko si Small, si Tito Jimmy [Santos] po. Masaya po kasi magkakasama kami."

Gayundin, dahil kaliwa't kanan na ang proyekto ng child star, nakalaan na raw ang kanyang ipon para sa tatlong bagay at kabilang na rito ang pag-iipon para sa kanyang pag-aaral.

"Bahay po at saka sasakyan. Kasi po para may sarili na kaming bahay at saka sasakyan," ani Ryzza.



Maliban dito, hindi na rin nagko-commute si Ryzza dahil hatid-sundo na siya ng kanyang road manager.

Mapapanood ang "Vampire ang Daddy Ko" simula ngayon Marso sa GMA Network. Kasama rin sa bumubuo ng cast sina "Bossing" Vic Sotto, Jimmy Santos, Oyo Boy Sotto, at Derrick Monasterio. Mac Macapendeg/KBK, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus