Cesar Montano on marital problems: Dapat ayusin sa loob ng pamilya
"Kung iyon ay naging problema within our family, it has to be fixed inside our family. Hindi ko kailangang idamay ang ibang tao." Ito ang sinabi ni Cesar Montano tungkol sa marital problems niya. Ayon sa kanya, hindi pa rin niya pinababayaan ang kanyang mga obligasyon sa show business bagama't mayroon siyang pinagdaraanang intriga sa kanyang pamilya, partikular na sa asawang si Sunshine Cruz. Wika pa ng aktor sa ulat ni Glen P. Sibonga ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), “Of course, kailangan ganun naman. And I’m being paid to do a film, to promote it, dapat gawin ko." Kamakailan ay naugnay si Cesar sa baguhang artista na si Krista Miller. Dagdag pa nito, “Kung anuman ang problema ko sa pribadong bagay, I have to take it to myself at isantabi ko iyon, of course. Samantala, marami ang humahanga sa pagiging propesyunal ng aktor sa pagharap ng mga problema niya sa kanyang pamilya. “Kung iyon ay naging problema within our family, it has to be fixed inside our family. Hindi ko kailangang idamay ang ibang tao," ani Cesar. Gayunpaman, dasal pa rin ang hiling ni Cesar sa mga taong nag-aalala sa kanyang pamilya. “If you think you are a concerned person para sa pamilya namin, then we need your prayers. Please pray for us. Marami pong salamat," saad nito. — may kasamang ulat ni Mac Macapendeg/ LBG, GMA News