ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tonight with Arnold Clavio: Rocco Nacino at ang 'Bayan Ko'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
SI ROCCO NACINO AT ANG "BAYAN KO"
TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing date: March 5, 2013



Lingid sa kaalaman ng marami, isang lisensyadong nurse ang isa sa mga pinakapaboritong Kapuso leading man na si Rocco Nacino.
 
Nagsimula ang showbiz career ni Rocco sa sa Starstruck Season 5 at kahit hindi siya ang pinalad na maging Ultimate Starstruck Survivor noon, nagpursigi pa rin siya para maabot ang kasikatang tinatamasa niya ngayon.
 
Mula sa napakarami nang soap opera at pelikula, inaabangan na nga mga taghanga ni Rocco ang pinakabago niyang proyekto na “Bayan Ko,” ang first original series ng GMA News TV, kung saan isang makabuluhang karakter ang kanyang gagampanan. 
 
Makakasama ni Rocco sa seryeng rito ang ilang batikang artista gaya nina Bembol Roco, Pen Medina, at Maria Isabel Lopez. Kasama rin sa cast ang mga kinagigiliwang Kapuso Stars tulad nina LJ Reyes at Albert “Betong” Sumaya, Jr.  
 
Kaya naman para lalung ma-excite ang kanyang fans, nagpa-unlak si Rocco ng isang behind the scenes tour sa shoot ng “Bayan Ko” --- at exclusive ito para sa TWAC!
 
Tara na at makipagkwentuhan sa ating idolo na si Rocco! Tumutok na sa Tonight With Arnold Clavio ngayong Martes, 10:30 ng gabi sa GMA News TV!