ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Machete,' makikipagsanib puwersa kay 'Indio'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mapapanood na rin ang Kapuso hunk actor na si Aljur Abrenica sa epic-fantaserye ng GMA-7 na Indio. Ayon sa dating Starstruck Ultimate Hunk, gagampanan niya sa Indio ang karakter ni ‘Bagandi’ na tutulong kay 'Indio,' na ginagampanan naman ni Senador Bong Revilla Jr. “This Saturday, magte-taping na po ako for Indio. Papasok po ako bilang ‘Bagandi’. Isa po ako sa mga tutulong kay Indio. Kakampi rin po ako. Kumbaga, ang sabi nila, ako po ‘yung tutulong sa kanya once na natanggal na ‘yung kapangyarihan niya," paliwanag ni Aljur. Bagaman naihahalintulad daw sa dating role niya sa Machete at Amaya series ang kanyang karakter bilang si Bagandi, sinabi ni Aljur na nais niyang paglaruan ang role sa Indio para maiba. “Minsan nga napagbibiruan pa na parang Machete nga ulit. 'Yon yung medyo inaayos naming ngayon kasi gusto namin na maiba naman sa Machete at sa Amaya. Medyo parang parehas yung set-up, ‘di ba? Epic series din, so ginagawa naming ang lahat para maiba naman si Bagandi," kwento niya. Gaya ng kanyang ginampanan sa Machete, sinabi ni Aljur na makikitang muli ng mga manonood ang kanyang well-toned physique. “Ganoon pa rin, bilang isang Indio, kung ano yung mga costume na nakikita ninyo sa show, iyon din sa akin. Medyo magiging iba yung kay Bagandi kasi parang taga-ibang tribo po ako doon," paliwanag ng aktor. Bukod sa Indio, mapapanood din si Aljur bilang isang independent actor na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak sa Magpakailanman. “Naka-schedule po tayo sa Magpakailanman by March po, early March po. 'Yon po yung pinaghahandaan ko. Hangga’t sa makakaya ko po, kapag may oras, kumukuha po kami ng workshops," ayon sa aktor. Asahan din umano na ibang Aljur ang mapapanood sa Magpakainlanman dahil sasabak siya sa matinding drama sa pagganap sa buhay na taong paksa ng programa. “Totoo po yung sinasabi na napakarami pong pinagdaanan ng taong ito. Nagawa niya yun dahil sa pagmamahal sa pamilya niya at sa anak. Ako mismo ay humahanga sa taong ito. Gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagganap sa pagkatao at buhay niya," dagdag ni Aljur. Inihahanda na rin ang proyekto na muli nilang pagtatambalan ni Kris Bernal matapos ang patok na romantic-comedy series na Coffee Prince. “Nagpapasalamat po ako sa GMA, sa suportang ibinibigay po nila sa amin at sa akin. Medyo matagal-tagal pa po iyong sa amin ni Kris, yung Prinsesa ng Masa kaya pinapasok po muna nila ako sa Indio," pahayag ng aktor. -- Samantha Portillo/FRJ, GMA News