ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Anak ni Kiram, nagsasagawa ng humanitarian mission sa Tawi-Tawi


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umalis ang anak ni Sulu Sultan Jajamul Kiram III sa bahay ng sultan sa Taguig City nitong Huwebes ng umaga para sa isang humanitarian mission sa probinsya ng Tawi-Tawi. Kasama ni Princess Jacel Kiram si TV personality Mariel Rodriguez, asawa ng aktor na si Robin Padilla, sa pagpunta sa Tawi-Tawi lulan ng isang private plane, ayon sa ulat ni Sam Nielsen sa radio dzBB. Hindi na nagbigay ng dagdag detalye ang kampo ni Kiram tungkol sa humanitarian mission, at ang tanging sinabi nito  ay umalis sina Jacel at Rodriguez bago magmadaling-araw, ayon sa ulat. Kasalukuyang nasa Sabah pa rin ang ilan sa mga tagasunod ni Sultan Kiram, na pinamumunuan ng kapatid nito. Tinutugis sila ng mga awtoridad ng Malaysia dahil sa madugong engkwentro noong Marso 1 at 2. Samantala, dumating sa Tawi-Tawi noong Martes ang mga Pilipinong umiwas sa kaguluhan sa Sabah. Noong Miyerkules ng gabi, hinigpitan ang seguridad sa tahanan ni Sultan Kiram sa Taguig City matapos umano magpunta sa kanilang bahay ang isang kahina-hinalang grupo ng mga kalalakihan. Ayon sa mga tauhan sa bahay ni Kiram, nagpakilala ang tatlong lalaki bilang TV crew at naglabas-pasok umano sa kanilang bahay. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News