Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Pagiging malapit ni Alden Richards sa pumanaw na ina, matutunghayan sa Magpakailanman

March 8, 2013 5:14pm




Tampok ngayong Sabado ang buhay ni Alden Richards sa Magpakailanman.

Siya mismo ang gaganap sa sarili niyang katauhan.

Ito ang unang pinag-usapan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ni Alden sa pocket presscon ng Mundo Mo’y Akin sa Packo’s Restaurant, nitong Huwebes, March 7.

Ang Mundo Mo’y Akin ang bagong primetime series ng GMA-7 na muling pagbibidahan nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

Bakit nga ba siya pumayag agad na isa-telebisyon ang buhay niya?

“Wala lang po, parang sabi po nila, ‘Why not? Anuhin natin ang story mo…very inspiring.’

“’And then, it’s gonna be more of story of your mom kasi, siya ang nag-dream nito para sa iyo.”’

“So, sabi ko, ‘Sige po.’ Kasi, parang it’s a way of telling my mom’s story talaga. Kung paano po nag-start lahat.

“Okey naman po sa akin ang naging treatment sa script kaya pumayag po ako.

“Siyempre, there are certain details na kailangang ipakita… Ito yung mga important part of my life. So, yun po.

“Nakadalawang draft po kami ng script,” ayon sa aktor.

MOM’S DREAM. Limang taon ang nakakaraan, pumanaw na ang nanay ni Alden dahil sa pneumonia.

Pero ang nanay niya raw talaga ang may pangarap noon pa man na maging artista siya.
     
Kuwento ni Alden, “Ang mommy ko po kasi before, akala niya ang pagiging artista, nadi-discover sa mall.

“Sinasabi niya, ‘Magbihis ka palagi kapag lalabas ka.’ So, yun po, pinakita ang closeness namin ng mom ko.

“'Tapos po, nangako ako sa kanya na yung dream niya na mag-artista ako after niyang mamatay…StarStruck days…mga audition.”

Namatay ang nanay ni Alden noong 16 years old pa lang siya. Hindi na nito napanood sa pag-aartista ng anak.

“Ultimo nga po ang play namin sa school, hindi po niya nakita. Nasa hospital na po kasi siya noon.

“So, parang tribute na lang din po sa nanay ko ang Magpakailanman.”

Ang gaganap na nanay ni Alden ay si Jackie Lou Blanco at si Mark Gil naman ang magiging ama niya.

PRIMETIME. Balik-primetime na naman si Alden sa Mundo Mo’y Akin pagkatapos ng One True Love na pinagbidahan niya anim na buwan ang nakalilipas.

Nakangiting lahad niya, “After six months po, matagal din po akong nabakante at excited po ako na muli akong makakaarte.

“Drama ulit. Drama with Louise and of course, yung bago naming kasama, si Lauren Young.”

“Struggling po sa una pero, eventually, magiging mayaman din kasi, makukuha ko po ang kayamanan nila Kuya Gabby [Eigenmann].”

May pagka-gray ba ang karakter niya rito?

“Baka po, baka po may pagka-gray. Pero, hindi ko pa lang sure kasi po, hindi ko pa po nabasa ang script.

“Nag-concentrate po kasi ako sa Magpakailanman. So, ngayon po, start ko siyang aralin.

“Pero, sana po, baka po ganoon. Hindi siya bidang-bida, hindi siya kontrabida.”

Noong storycon, ano ang sinabi sa karakter niya?

“May similarity po ng konti sa One True Love na nagsimulang mahirap.

“Pero, lalaban siya. Unlike sa One True Love, talagang patalo si Tisoy.

“Pero ito po yata, medyo may tapang ang karakter.

“Ang nanay-nanayan ko po, si Ate Jolens [Jolina Magdangal], hindi ko po siya totoong nanay sa story.

“Siya lang ang kumupkop sa akin. Siya lang ang kinilala kong mom. So, yun po.” -- Rose Garcia, PEP

         

Go to comments