GMA News Online
Public Affairs
»
Alisto

Alisto

'ALISTO!' magsisimula na ngayong ika-23 ng Marso

March 21, 2013 1:57pm

ALISTO! simula na ngayong Sabado sa GMA-7



Dahil walang pinipiling oras at lugar ang mga banta ng panganib… dapat palaging handa. Huwag maging biktima… maging Alisto!

Simula ngayong Sabado ng alas-kwatro ng hapon, matutunghayan na ang pinakabagong programa ng GMA News and Public Affairs: ALISTO!

Sa programang ALISTO! mapapanood ang mga nakagigimbal na video ng sakuna, aksidente, krimen, pandarambong at iba pang mga kapahamakan -- mga actual video na kuha mismo ng CCTV camera, cellphone camera at iba pang video recorders. Ibabahagi naman ng host na si Igan Arnold Clavio ang mga wastong kaalaman at mahahalagang tips na maaaring makapagligtas ng buhay.



Sa kauna-unahang pagtatanghal ng ALISTO!, tampok ang isang malagim na aksidenteng naganap sa Sual, Pangasinan. Isang pampasaherong bus ang nawalan ng preno at tumaob sa daan! Marami ang nasugatan, pero ang napuruhan ay ang pitong taong gulang na si John Christian na naipit sa bintana matapos tumagilid ang bus!



Sa pagnanais na agad na makatulong, umaksyon ang mga naka-saksi sa aksidente at manu-mano nilang tinanggal ang bata mula sa pagkaka-ipit. Pero ang pagmamalasakit na ito pa pala ang nagdala kay John Christian sa mas matinding panganib!

Mapapanood din ang nauusong Modus Operandi ngayon ng mga magnanakaw. Ang kanilang secret weapon --- mga batang paslit!

At ang mga video ng pambubugbog sa mga asawa at nobya na huling-huli sa CCTV! Alamin kung ano ang dapat gawin kapag naging saksi mismo sa krimeng ito.

Lahat ay matutunghayan na ngayong Sabado, 4:00 ng hapon, pagkatapos ng Star Talk.

Huwag maging biktima. Maging… ALISTO!      
Go to comments




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Alisto on Facebook
Alisto on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement