ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Reel Time' presents Sa Ngalan ng Ama
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REEL TIME
Sa Ngalan ng Ama
Airing date: March 31, 2013
Airing date: March 31, 2013
Original airing date: April 15, 2012

Sa tuwing pagsapit ng Biyernes Santo, ang mga kalye ng Brgy. Cutud sa San Fernando Pampanga. nababahiran ng dugo. Tuwing Biyernes Santo, bata man o matanda, nagmamartiya sa saliw ng mga kawayan, mga nakahantad na likod, at sugatang balat. Ang tawag dito'y "magparaya" sa Kapampangan o "magpadugo" sa Tagalog. Ibig sabihin, "dumugo."
Ang magpadugo ay ang kanilang panata--- isang pagsuko sa madugong pagsasakripisiyo ni HesuKristo, ang anak ng Diyos. Sa bawat hiwa, sa bawat latay at hampas, nakakaramdam daw sila ng kapatawaran. Ito ang tahimik na panalangin ni Rex Matawaran, isang nagpepenitensiya sa edad na bente. Nagsimula siya apat na taon nang nakakaraan, sa ngalan ng kanyang ama na nagbabayad ng kasalanan sa bilangguan.

Sa loob rin ng parehong kulungan, may mas batang nagpepenitensiya. Pangarap niyang lumaya, katulad din ng panalangin ng iba pang bilanggo na tinatanggap ang bawat hampas at latay ng kapawa preso tuwing Mahal na Araw.
Ang "Sa Ngalan ng Ama" ay kwento ng isang ama at anak sa mundong kung saan nakukuha ang kapatawaran at karangalan sa pagpepepenitensiya. Hanggang saan ang kayang gawin ng isang anak para sa kanyang ama upang tubusin siya sa dating kasalanan? Kaninong penitensiya ang magpapahayag ng mas matinding sakit?
Ang espesyal na dokumentaryong "Sa Ngalan ng Ama" ay handog ng Reel Time ngayong Linggo, March 31, 9:00 ng gabi pagkatapos ng 1st Anniversary Special Episode ng GMA News TV na Eats More Fun in the Philippines sa Channel 11!
More Videos
Most Popular